Nagliliwanag Na Manlalakbay

·

·

Nagliliwanag Na Manlalakbay

Basahin: Filipos 3:10–21 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 105-106; 1 Corinto 3

Ang mahalaga ay patuloy nating sinusunod ang mga katotohanang natutunan na natin. – Filipos 3:16

Sa ilalim ng panggabing langit, nag-surf ang ilan sa ibabaw ng mga nagliliwanag na alon sa baybayin ng San Diego. Ang mga ilaw na iyon ay dulot ng maliliit na organismo na tinatawag na phytoplankton, isang pangalan na galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “manlalakbay.” Sa umaga, hinuhuli ng mga ito ang liwanag ng araw at ginagawang chemical energy. Kapag nabubulabog sila sa gabi, naglalabas sila ng asul na ilaw.

Ang mga nananampalataya kay Jesus ay mga mamamayan ng langit, at gaya ng phytoplankton, nabubuhay silang parang manlalakbay sa lupa. Kapag iniistorbo ng mahihirap na sitwasyon ang ating mga plano, pinalalakas tayo ng Banal na Espiritu para tumugon gaya ni Cristo—ang Ilaw ng Mundo—at maipakita natin ang liwanag Niya. Ayon kay Apostol Pablo, wala nang mas hihigit kaysa sa relasyon natin kay Cristo at sa katuwiran na nagmumula sa pananampalataya natin sa Kanya (Filipos 3:8-9).

Pinatunayan ng buhay ni Pablo na binabago tayo ng pagkakilala natin kay Jesus at ng kapangyarihan ng Kanyang pagkabuhay na muli. Naapektuhan nito ang pamumuhay natin at ang pagtugon natin sa mga pagsubok sa buhay (Tal. 10-16).

Kapag kasama natin ang Anak ng Dios araw-araw, binibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng katotohanang kailangan natin—kaya nagagawa nating harapin ang bawat hamon sa mundo sa paraang sumasalamin sa karakter ni Cristo (Tal. 17-21). Puwede tayong maging parola ng pag-ibig at pag-asa ng Dios, ilaw na humahati sa dilim hanggang sa araw na pauwiin na Niya tayo o bumalik na Siya.

Ano ang iyong magagawa upang lalong magliwanag

sa buhay mo ang magagandang katangian ni Jesus?

Mahabaging Jesus, kapag dumarating ang mahihirap na sitwasyon, magliwanag Ka po sa pamamagitan ko at tulungan Mo ako para maituro Kita sa ibang tao.

Isinulat ni Xochitl Dixon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links