Magmahal at Sumandal Sa Dios

·

·

Magmahal at Sumandal Sa Dios

Basahin: Ruth 1:11–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 123–125; 1 Corinto 10:1–18

Ngunit si Ruth ay yumakap sa kanya. – Ruth 1:14

Nakakatuwa si Zach, matalino, at gusto ng lahat. Pero sikretong nakipaglaban siya sa depresyon. Pagkatapos niyang magpakamatay noong 15 siya, sinabi ng nanay niyang si Lori, “Ang hirap tanggapin na ang isang taong may ganyang mga katangian ay aabot sa ganoong punto. Si Zach  … hindi siya abswelto sa suicide.” May mga panahon na binubuhos ni Lori sa Dios ang lungkot niya.

Sinabi niya na ang malalim na kalungkutan pagkatapos ng suicide ay “isang bagong antas ng pighati.” Pero natutunan niya at ng pamilya niya na sumandal sa Dios at sa iba para umamot ng lakas, at ngayon, ginagamit nila ang oras nila para mahalin ang iba na nakikipaglaban din sa depresyon.

Ang bagong motto ni Lori ay “Magmahal at sumandal.” Ang ideyang ito ay makikita rin sa kuwento ni Ruth. Nawalan si Naomi ng asawa at dalawang anak—ang isa ay kasal kay Ruth (Ruth 1:3-5). Inudyukan ni Naomi si Ruth na bumalik na sa pamilya nito kung saan ito maaalagaan. Pero si Ruth, kahit nagluluksa rin, “yumakap” sa kanyang biyenan at nangakong mananatili sa tabi nito at aalagaan ito (Tal. 14-17). Bumalik sila sa Betlehem, sa bayan ni Naomi, kung saan dayuhan si Ruth. Pero kasama nila ang isa’t isa, at ang Dios ang tumugon sa mga pangangailangan nila (2:11-12).

Sa panahon ng pagdadalamhati natin, nananatiling matatag ang pag-ibig ng Dios. Puwede tayong sumandal sa Kanya habang sumasandal at nagmamahal tayo sa iba sa pamamagitan ng Kanyang lakas.

Ano ang nais iparating sa iyo na magtiwala sa

Dios sa panahon na dumaranas ka ng sobrang kalungkutan?

Sino ang nangangailangan ng suporta mo ngayon?

Ama, nagpapasalamat po ako Sa’yong tapat na pag- ibig at pangangalaga sa akin. Gamitin Mo po ako para hikayatin ang iba na magtiwala Sa’yo.

Isinulat ni Anne Cetas

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links