Nag-ugat Sa Pag-ibig

·

·

Nag-ugat Sa Pag-ibig

Basahin: Ruth 2:5–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 140-142; 1 Corinto 14:1–20

Iniwan mo raw ang iyong ama at ina at ang bayang sinilangan mo para manirahang kasama ng mga taong hindi mo kilala. – Ruth 2:11

Dumating ako sa cancer care center na nag-iisa at natatakot. Iniwan ko ang pamilya ko mahigit 1200 km ang layo sa akin, para magsilbing stay-in caregiver ng aking ina. Pero bago ko pa mahawakan ang maleta ko, tinulungan na ako ng nakangiting si Frank. Nang makarating kami sa 6th floor, plano ko nang bisitahin ang asawa niyang si Lori na nag-alaga sa kanya noong nagpapagaling siya.

Hindi nagtagal, naging parang kapamilya ko na ang mag-asawa, nagtiwala kami sa Dios at sa isa’t isa. Nagtawanan kami, naghingahan ng sama ng loob, nag-iyakan, nanalangin nang magkasama. Kahit pakiramdam namin wala kami sa lugar na dapat kinaroroonan namin, ang koneksyon namin sa Dios at sa isa’t isa ang naging dahilan kaya nanatili kaming nakaugat sa pag-ibig habang nagtutulungan kami.

Noong magdesisyon si Ruth na alagaan ang biyenan niyang si Naomi, iniwan niya ang lahat ng pamilyar sa kanya. “Umalis si Ruth at namulot ng mga nalaglag mula sa mga tagapag-ani” (Ruth 2:3). Sinabi ng katiwala kay Boaz na may-ari ng lupa, na mula umaga ay “tuloy-tuloy” ang pagtatrabaho ni Ruth at “nagpahinga lang nang sandali” (Tal. 7). Nakahanap si Ruth ng isang ligtas na lugar kasama ang mga taong handang mag-alaga sa kanya, kung paano niya inaalagaan si Naomi (Tal. 8-9). At sinustentuhan ng Dios sina Ruth at Naomi sa pamamagitan ng pagkamapagbigay ni Boaz (Tal. 14-16).

Maaaring magbigay ang buhay ng mga di-inaasahang lugar na malayo sa kinasanayan natin. Habang nananatili tayong nakakonekta sa Dios at sa isa’t isa, pananatilihin Niyang nakaugat tayo sa pag-ibig habang sinusuportahan ang isa’t isa.

Mapagmahal na Ama, salamat po sa pangako ng pagsama Mo sa akin at sa pagkakaloob ng lahat ng aking pangangailangan.

Isinulat ni Xochitl Dixon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links