Di-nahating Kaharian
Basahin: Efeso 2:17–22 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Kawikaan 19-21; 2 Corinto 7
Kung ang mga mamamayan ng isang kaharian ay nagkakahati-hati at nag-aaway-away, mawawasak ang kahariang iyon. – Mateo 12:25
Noong Hunyo 16, 1858, pinahayag ng kandito sa pagkasenador na si Abrahan Lincoln ang ngayon ay sikat nang speech niya. Binigyang-diin doon ang tensyon sa pagitan ng mga grupo sa Amerika dahil sa paksa ng pang-aalipin. Nagkaroon ng alingasngas sa mga kaibigan at kaaway ni Lincoln. Pakiramdam ni Lincoln mahalagang gamitin ang “nahating kaharian” na sinabi ni Jesus sa Mateo 12:25 dahil sikat iyon at simple ang paliwanag. Ginamit niya ang talinhaga “para magising ang isip ng mga tao at mapukaw sila sa panganib ng panahon.”
Habang ang nahahating kaharian ay hindi makakatayo, ang di-nahahating kaharian ay nakakatayo nang may pagkakaisa. Ganito ang disenyo ng pamilya ng Dios (Efeso 2:19). Kahit binubuo ng mga taong may iba’t ibang pinanggalingan, nakipagkasundo na tayo sa Dios (at sa isa’t isa) sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus sa krus (Tal. 14-16).
Dahil sa katotohanang ito (Tingnan ang Efeso 3), nagbigay ng mga bilin si Pablo sa mga nananampalataya kay Jesus: “Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa nʼyo mula sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan” (4:3).
Ngayon, kapag namimiligrong mahati ang mga taong dapat sana ay magkakasundo, bibigyan tayo ng Dios ng karunungan at kalakasan para mapanatili natin ang pagkakaisa, sa tulong ng Espiritu. Magiging dahilan ito para maging ilaw tayo sa mundong madilim at hati-hati.
Anong mga teksto sa Biblia ang puwedeng
makatulong sa’yo sa pagtugon sa
mga tensyon at pagkasira ng mga relasyon?
Isinulat ni Arthur Jackson
Leave a Reply