Tubig Na Nagbibigay-buhay

·

·

Tubig Na Nagbibigay-buhay

Basahin: Juan 7:37–39 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Mangangaral 7-9; 2 Corinto 13

Ang sinumang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom. – Juan 7:37

Galing Ecuador ang pumpon ng mga bulaklak. Nang dumating ang mga iyon sa bahay ko, latoy-latoy na sila. May mga instruksyon na lagyan ng malamig na tubig para mabuhay iyon uli. Pero bago iyon, kailangan munang gupitan ang mga tangkay para mas madaling mainom ang tubig. Mabubuhay pa kaya ang mga bulaklak?

Nang sumunod na araw, nalaman ko ang sagot. Napakagandang tingnan ng mga bulaklak na noon ko lang nakita. Ang laki ng nagawa ng tubig—isang paalala ng sinabi ni Jesus tungkol sa tubig at kung ano ang kahulugan niyon sa mga mananampalataya.

Nang humingi si Jesus ng tubig sa babaeng Samaritana, binago Niya ang buhay nito. Nagulat ang babae kasi minamata ng mga Judio ang mga Samaritano. Pero sinabi ni Jesus, “Kung alam mo lang ang ipinagkakaloob ng Dios, at kung sino ang nakikiinom sa iyo, baka ikaw pa ang manghingi sa akin para bigyan kita ng tubig na nagbibigay-buhay” (Juan 4:10). Noong nasa templo, sinabi rin Niya, “Ang sinumang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom” (7:37). Sa mga naniwala sa Kanya, “dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay mula sa puso [nila]. Ang tubig na tinutukoy ni Jesus ay ang Banal na Espiritu … na malapit nang tanggapin ng mga nagtitiwala sa kanya.” (Tal. 38-39).

Pinapalakas tayo ng Espiritu ngayon kapag napapagod tayo sa buhay. Siya ang Tubig na Nagbibigay-Buhay, nananahan sa kaluluwa natin . Nawa ay uminom tayo nang marami nito ngayon.

Alin sa bahagi ng buhay mo ang tila natuyo na?

Mapagmahal na Dios, kapag napagod ako at nauhaw dahil sa buhay, salamat sa regalo ng Iyong Espiritu, ang tubig na nagbibigay-buhay.

Isinulat ni Patricia Raybon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links