Saan Aasa?

·

·

Saan Aasa?

Basahin: Isaias 30:12–18 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Isaias 9-10; Efeso 3

Pero naghihintay ang Panginoon na kayo’y lumapit sa Kanya para kaawaan Niya. – Isaias 30:18

Noong high school pa ako, hinahangaan ng lahat ang ugali ni Jack at ang galing niya sa sports. Pinakamasaya siya kapag nasa ere siya, bitbit sa isang kamay ang skateboard, at nakaunat ang isa para magbalanse.

Nagpasya si Jack na sundin si Jesus pagkatapos makadalo sa isang lokal na simbahan. Bago iyon, pinagtiisan niya ang mga problema sa pamilya at gumamit siya ng droga para maalis ang kalungkutan niya. Pero matapos siyang magbalik-loob, mukhang maayos naman ang lahat sa kanya. Pero pagkaraan ng ilang taon, nagdroga na naman siya. Hindi nagtagal, namatay siya sa overdose.

Napakadaling bumalik sa mga bagay na pamilyar kapag nahihirapan tayo. Noong nag-aalala ang mga Israelita dahil sa parating na pag-atake ng mga taga-Asiria, bumalik sila sa Ehipto—ang dating umalipin sa kanila—para humingi ng tulong (Isaias 30:1-5). Alam ng Dios na mapaminsala ito, pero mahal pa rin Niya sila kahit mali ang ginawa nilang pasya. Ipinatawag ni Isaias ang puso ng Dios: “Pero naghihintay ang Panginoon na kayo’y lumapit sa kanya para kaawaan niya. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit” (Tal. 18).

Ganito ang Dios sa atin, kahit pa pinipili nating maghanap sa ibang lugar ng makakapag-alis ng nararamdaman nating sakit. Gusto Niya tayong tulungan. Ayaw Niyang saktan natin ang sarili natin ng mga gawing nang-aalipin. Inaalok tayo ng ilang bagay ng panandaliang ginhawa, pero gusto ng Dios na magbigay ng tunay na kagalingan habang lumalakad tayo sa tabi Niya.

O Dios, palayain Mo po ako sa makasalanang mga gawi. Tulungan Mo po ako upang bumalik ako Sa’yo kapag natutukso akong humanap ng ginhawa sa ibang bagay.

Isinulat ni Jennifer Benson Schuldt

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links