Pagkilala Sa Nasa Salamin

·

·

Pagkilala Sa Nasa Salamin

Basahin: Santiago 1:22–27 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Isaias 17-19; Efeso 5:17–33

Ang taong nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Dios sa lahat ng kanyang gawain. – Santiago 1:25 MBB

“Sino ang nasa salamin?” Tanong ito sa mga bata ng mga dalubhasang nagsusuri ng pagkilala sa sarili. Madalas hindi nakikilala ng mga batang wala pang labingwalong buwan ang sarili sa salamin. Sa paglaki ng bata, naiintindihan nila na sarili ang tinitingnan nila sa salamin. Isa itong mahalagang patunay na lumalaki nang maayos ang isang bata.

Mahalaga rin ito sa mga sumasampalataya kay Cristo. Nagbigay si Santiago ng pagsusuri sa pagkilala sa nasa salamin. Ang “salita ng katotohanan” mula sa Dios ang salamin (Santiago 1:18 MBB). Ano kaya ang nakikita natin kapag binabasa natin ang Biblia? Nakikita ba natin ang ating mga ginagawa sa pagbasa natin ng mga kautusan ng Dios?

Makakatulong ang Biblia para masuri natin kung naaayon ba sa kalooban ng Dios para sa atin ang kalooban at mga asal natin, o kung kailangan ba nating humingi ng kapatawaran at magbago.

Paalala ni Santiago na pandaraya sa sarili kung binabasa natin ang Salita ng Dios at pagkatapos, kinakalimutan kung ano ang binasa. Mapa ang Biblia na gabay kung paano tayo mamumuhay nang may karunungan na ayon sa plano ng Dios. Basahin natin ito at pagbulayan, at kunin ang sustansyang bigay nito. Hilingin natin sa Dios ang mga mata na makakakita sa ating kalooban at kalakasan para sa kinakailangang pagbabago.

Ano ang nakikita mo kapag ginamit mo

ang Salita ng Dios bilang salamin?

Anong pagbabago ang kailangan mong gawin?

Isinulat ni Katara Patton

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links