Pagmamahal Sa Kapwa
Basahin: Leviticus 19:15–18 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Jeremias 43-45; Hebreo 5
Huwag kang maghihiganti o magtatanin ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. – Leviticus 19:18 MBB
Sa panahon ng pag-iisa at paghihigpit dahil sa pandemya ng coronavirus, naging makatotohanan ang salita ni Martin Luther King Jr. sa “Sulat Mula sa Kulungan sa Birmingham.“ Tungkol sa kawalan ng hustisya, sinulat niyang ‘di niya kayang umupo sa isang lungsod na walang pakialam sa nangyayari sa ibang lungsod. “Hindi natin matatakasang sanga-sanga ang mga buhay natin” at “pinagtagni-tagni ang mga tadhana natin. Ang direktang nakakaapekto sa isang tao, may epekto rin sa ating lahat kahit hindi direkta.”
Nakita ito sa pagsasara ng mga lungsod at mga bansa sa buong mundo para pigilan ang pagkalat ng virus. Maaaring makaapekto sa iba ang nakakaapekto na sa isang lungsod.
Maibiging Manlilikha, gusto ko pong ibahagi sa iba ang pag-ibig Mo.
Ilang daantaon na ang nakaraan, tinuruan ng Dios ang mga taong magmalasakit. Sa pamamagitan ni Moises, binigay ng Dios ang mga utos Niya bilang gabay sa kanilang pamumuhay nang sama-sama. Sabi Niya, “Huwag kayong magkakalat ng anumang nakakasira …ng inyong kapwa”; at “Huwag kang maghiganti o magtanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Levitico 19:16, 18). Alam ng Dios na magwawatak-watak ang mga pamayanan kung walang pagmamalasakit at pagpapahalaga sa iba tulad sa sarili.
Mabuting isabuhay natin ang talino ng katuruan ng Dios. Habang ginagawa ang araw-araw na gawain, alalahanin nating magkakakabit ang buhay natin at tanungin natin ang Dios kung paano ibigin at paglingkuran ang kapwa natin.
Bakit kaya inulit ni Jesus ang utos ng
Dios noong sinabi Niya sa mga pinuno
ng relihiyon na mahalin ang kapwa tulad ng sarili?
Maibiging Manlilikha, gusto ko pong ibahagi sa iba ang pag-ibig Mo.
Isinulat ni Amy Boucher Pye
Leave a Reply