Pasulong! Walang Liku-liko
Basahin: 1 Tesalonica 3:11–13; 4:9–12 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Ezekiel 5-7; Hebreo 12
Pinayuhan namin kayo…na mamuhay nang kalugud-lugod sa paningin ng Dios na tumawag sa inyo upang mapabilang sa Kanyang kaharian at kaluwalhatian. – 1 Tesalonica 2:12 MBB
Sa tulang “Pahinga,” mahinahong hinamon ng makata ang ugaling ihiwalay ang oras ng “paglilibang” sa “trabaho”: “Hindi ba tunay na paglilibang o isang trabahong totoo?” Kung tunay na paglilibang ang nais, kaysa sa takasan mga tungkulin sa buhay, sabi sa tula, “Ibigay pa rin ang pinakamakakaya; gamitin ‘to, ‘wag sayangin, – Kundi baka ‘di pahingang tunay. / Masdan ang ganda / Sa malapit? sa paligid? / Sadyang sa tungkulin / Nakikita yaring ganda.”
Para sa makata, sa pag-ibig at paglilingkod natatagpuan ang tunay na pahinga’t ligaya. Naalala ko ang udyok ni Apostol Pablo sa mga taga Tesalonica. Matapos sabihing tinawag siya para patibayin ang loob ng mga nagtitiwala sa Dios na “mamuhay nang kalugud-lugod sa paningin ng Dios” (1 Tesalonica 2:12), nagbigay ng detalye ang apostol. At nilarawan niya – buhay na may pagmamahal, tahimik na katapatang loob, at paglilingkod.
Salamat po nararanasan rin ang ganda Mo sa mga tungkulin ko.
Ang dasal niya, “Palaguin at pasaganain ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa’t-isa at sa lahat ng tao” (3:12). Hinihikayat niya ang mga sumasampalataya kay Jesus. Sinabi ni Pablo, “Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag-ukulan ninyo ng pansin ang sariling gawain, maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro namin” (4:11). Ito ang buhay – tahimik na nagmamahal at naglilingkod sa paraang kaloob ng Dios, na nagpapakita ng ganda ng buhay na may tiwala sa Dios (Tal. 12) .
O, sabi nga ng makata, tunay na galak ang “umibig at maglingkod / Pinakamainam / Ang pasulong! Walang liku-liko – / At yan ang pahingang tunay.
Ano ang ugnayan ng pahinga at paglilingkod sa kaharian ng Dios?
Salamat po nararanasan rin ang ganda Mo sa mga tungkulin ko.
Isinulat ni Monica La Rose
Leave a Reply