Pangarap at Pananabik

·

·

Pangarap at Pananabik

Basahin: Kawikaan 13:12–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Ezekiel 22–23; 1 Pedro 1

Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan. –Kawikaan 13:12

Noong tumira ako sa Inglatera, tila karaniwang Huwebes na lang ang Araw ng Pasasalamat na isang malaking pagdiriwang sa Amerika. Naghanda ako ng maraming pagkain para magdiwang sa katapusan ng linggo, pero gusto kong makasama ang pamilya’t kaibigan ko. Alam kong ‘di lang ako ang may ganoong pananabik. Nais nating lahat na makasama sa pagdiriwang ang mga mahal natin. At kahit nagdiriwang tayo, maaaring namimiss pa din natin ang iba na malayo sa atin o nagdadasal tayo na maging payapa ang samahan ng kapamilyang may alitan.

Nakatulong sa akin ang pagdarasal at pagmumuni-muni sa karunungan ng Biblia tulad ng kawikaan ni Haring Solomon: “Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan” (Kawikaan 13:12). Ginamit ni Solomon ang malungkot na kasabihang ito para ibahagi ang maaaring maging epekto ng matagal na paghihintay sa inaasam: takot at pasakit. Pero kapag natupad na ang inaasam, para itong puno ng buhay na nagbibigay ginhawa at nagpapanumbalik ng lakas natin.

Siguro hindi agad matutupad ang ilang inaasam natin. Baka ang iba, sa Dios na lang natin matagpuan ‘pag pumanaw na tayo. Ano man ang inaasam, mapagkakatiwalaan natin ang Dios dahil alam nating wagas ang pag-ibig Niya sa atin. Isang araw, makakasama nating muli ang mga minamahal habang nagdiriwang tayo kasama ang Dios at nagpapasalamat sa Kanya.

Kailan ka nakaramdam na parang magkakasakit ka

dahil sa mga inaasam na hindi pa

natutupad? Paano ka tinulungan ng Dios?

Dios naming Manlilikha, Kayo po ang nakakaalam nang lahat ng aming pangangailangan. Lubos ko pong ipinagkakatiwala sa Inyo ang aking mga ninanais.

Isinulat ni Amy Boucher Pye

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links