PAGKAPIT SA MABUTI

·

·

PAGKAPIT SA MABUTI

Basahin: ROMA 12:9–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: HOSEA 5–8; PAHAYAG 2

Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. — ʀᴏᴍᴀ 12:9 ᴍʙʙ

Ipinaparada namin ang kotse malapit sa isang malawak na bukid na di-kalayuan sa bahay namin. Kadalasan may mga cockleburs (halamang kahawig ng butonsilyo o daisy) na kumakapit sa damit, sapatos, bag, at katawan sa pagtahak namin sa bukid na ito para makauwi sa bahay, lalo na kung panahon ng taglagas. Paraan ito ng kalikasan para isaboy ang buto ng cockleburs sa bukid at sa buong mundo.

Habang dahan-dahan kong tinatanggal ang makapit na cockleburs, madalas kong maalala ang talatang naghihikayat sa mga tagasunod ni Jesus na “pakaibigin ang mabuti” (ʀᴏᴍᴀ 12:9). Hindi laging madali ang magmahal ng ibang tao. Ngunit, habang tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na kumapit nang todo sa mabuti, magagawa nating kasuklaman ang masama at magiging tunay ang ating pagmamahalan (ᴛᴀʟ. 9).

Hindi madaling tanggalin ang buto ng cockleburs. Matinding kumapit ang mga ito. At kapag nakatuon tayo sa kabutihan – pinupuno ang isip ng awa, habag, at kautusan ng Dios – sa kalakasan Niya – makakakapit din tayo nang mahigpit sa mga mahal natin. Tinutulungan Niya tayong “pahalagahan… ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo” at itinataas ang pangangailangan ng iba bago ang sa sariling pangangailangan (ᴛᴀʟ. 10).

Hindi madaling tanggalin ang nakakapit na cockleburs, pero paalala nila sa akin na kumapit sa tao nang may pag-ibig at kumapit sa kabutihan sa tulong ng kapangyarihan ng Dios (ᴛᴀʟ. 9; ᴛɪɴɢɴᴀɴ ʀɪɴ ꜰɪʟɪᴘᴏꜱ 4:8-9).

Panginoong Jesus, ipaalala Mo po sa akin

na kumapit sa mabuti nang buong lakas.

Nais ko pong maidaloy

ang pag-ibig Mo sa ibang tao.

Paano makakatulong ang pagkapit mo sa mabuti para mahalin ang kaibigan o kapamilyang madalas mong hindi makasundo? Paanong tapat na pag-ibig din ang matiyagang pag-ibig?

Isinulat ni Katara Patton

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links