TAHANANG KASAMA SI JESUS

·

·

TAHANANG KASAMA SI JESUS

Basahin: Juan 15:1–11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Ruth 1-4; Lucas 8:1–25

Manatili kayo sa Akin at Akoʼy mananatili sa inyo. – ᴊᴜᴀɴ 15:4

Ilang taon na ang nakalipas nang mag-alaga kami ng pusa. Pinangalanan namin siyang Juno. Ang totoo, nasa isip ko lang noong mabawasan ang mga daga sa bahay namin. Pero kung buong pamilya ang tatanungin, gusto talaga nila ng pusa. Kaya naman iniayos namin ang titirahan ni Juno. Sinanay namin si Juno sa kanyang magiging tahanan. Nang sa gayon, may babalikan siyang tahanan kahit maligaw siya.

Kung hindi naman natin alam ang tunay nating tahanan, mananatili tayong naghahanap ng pagmamahal, pagkalinga, at kahulugan sa buhay. May sinabi si Jesus sa mga taong naghahanap ng kahulugan ng kanilang buhay: “Manatili kayo sa Akin” (ᴊᴜᴀɴ 15:4). Ayon naman sa dalubhasa sa Biblia na si Frederick Dale Bruner, may pagkakatulad ang salitang ‘abide’ (‘manatili’) sa salitang ‘abode Air jordan 6 rings bred black university red white yellow strike playoffs big kids – 001 Release Date – air jordan 1 retro first class flight white dynamic yellow black 2021 DN4904 – SBD’ (‘tahanan at pamilya’). Kaya para kay Bruner, maaari rin nating ganito baybayin ang sinabi ni Jesus: “Ako ang inyong tahanan.”

Upang lalo pang maunawaan ang tungkol sa tahanang ipinapahayag dito, ginamit ni Jesus bilang paglalarawan ang mga sangang nakakabit sa puno ng ubas. Kung nais mabuhay ng sanga, kailangan nitong manatili sa puno. Gayundin naman, kailangan nating manatili sa piling ni Jesus na Siyang tunay nating tahanan.

Maaaring marami nang nangako sa ating tutulungan tayo sa ating problema, pero lagi namang napapako. Mayroon ding mga nagpapayo sa atin upang maging maayos ang ating kinabukasan. Pero kung nais talaga nating magkaroon marcus jordan net worth ng buhay na naaayon sa nais ng Dios, manatili tayo kay Jesus. Manahan tayo sa Kanya.

Panginoong Jesus, madalas ay naliligaw po ako ng landas. Pero nais ko pong lagi Kang makasama. Tulungan N’yo po akong manatili sa Inyong piling.

Anong mga bagay ang naglalayo sa iyo mula kay Jesus?

Isinulat ni Winn Collier



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *