LAHAT PARA KAY JESUS
Basahin: COLOSAS 3:15–24 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 CRONICA 25–27; JUAN 9:1–23
At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus. – COLOSAS 3:17 MBB
Isinama si Jeff ng nanay niya para panoorin ang konsyerto ng sikat na mang-aawit na si B.J. Thomas. Gaya ng ibang musikero noong panahon niya, nalulong din si B.J. sa mapanirang pamu- muhay ir jordan 4 tour yellow 200 habang naglilibot para magkonsyerto. Pero nabago ang buhay niya nang naging tagasunod ni Jesus silang mag-asawa.
Sa konsyerto, nagtanghal siya sa harap ng masasayang manonood. Matapos awitin ang apat na sikat niyang kanta, may manonood na sumigaw, “Kanta ka ng isa para kay Jesus!” Sumagot siya, “Kakatapos ko lang ng apat para kay Jesus.”
Ilang dekada na ang lumipas pero naaalala pa rin iyon ni Jeff. Sa saglit na iyon, naunawaan niyang dapat para kay Jesus ang lahat ng ginagawa natin—kahit mga bagay na parang hindi espirituwal o banal sa pananaw ng marami.
Minsan, natutukso tayong OdegardcarpetsShops° , Adidas Runfalcon 2.0 C EU 33 , Cow Print Covers the Next Adidas SL 72 paghiwalayin ang mga bagay na ginagawa natin. Itinuturing nating banal na mga gawain ang magbasa ng Biblia, ibahagi sa iba kung paano natin nakilala si Jesus, at umawit sa Dios. Itinuturing naman nating hindi banal na mga gawain ang tumakbo, maglinis ng bakuran, at umawit ng ibang kanta. Paalala sa atin ng Colosas 3:16 na nananatili ang mensahe ni Cristo sa puso natin sa pamamagitan ng mga gawaing tulad ng pagtuturo, pagkanta, at pasasalamat. Pero hinigitan pa iyan sa talata 17 kung saan binigyang diin na bilang anak ng Dios, “anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus.”
Gawin natin ang lahat para sa Kanya.
Mapagmahal na Dios, tulungan Mo po akong isuko sa Iyo ang bawat gawain at salita ko.
Paano mo magagawa ang lahat sa ngalan ni Jesus? Paano magagamit ng Dios ang kilos at salita mo para sa karangalan Niya?
Isinulat ni Cindy Hess Kasper
Comments (0)