TANGING ANG BANAL NA ESPIRITU
Basahin: GAWA 2:1–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 CRONICA 4–6; JUAN 10:24–42
Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nakapagsalita ng ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan. – GAWA 2:4
Tinanong ang siyamnapu’t-apat na taong-gulang na iskolar ng Biblia na si Jürgen Moltmann tungkol sa isinulat niyang libro tungkol sa Banal na Espiritu. “Paano mo papaganahin ang Banal na Espiritu? Sa pag-inom ng tableta? Mayroon ba niyan sa botika?” Tumaas ang kilay ni Moltmann. Nakangiti siyang umiling at sinabi, “Ano ang magagawa ko? Wala. Hintayin lang ang Espiritu, at darating Siya.”
Nabigyang diin ni Moltmann ang maling paniniwalang nangyayari ang mga bagay dahil sa lakas at kakayahan natin. Pinapakita sa aklat ng Mga Gawa Украина #161700734 , Класна футболка adidas розмір s , Женские кроссовки adidas asweego / 41.5f / 26cm — цена 1380 грн в каталоге Кроссовки ✓ Купить женские вещи по доступной цене на Шафе na ang Dios ang dahilan kaya nangyayari ang mga bagay. Hindi tayo. Nagsimulang mabuo ang grupo ng mga nagtitiwala kay Jesus hindi dahil sa magaling na pamumuno at diskarte ng tao. Sa halip, dumating ang Espiritu na parang “ugong na mula sa langit, na katulad ng malakas na hangin” doon sa silid kung nasaan ang mga takot at gulat na mga alagad (2:2). Pagkatapos, binuwag ng Espiritu ang lahat ng diskriminasyon nike sabrina 2 sneaker release date nang pagsamahin Niya silang lahat para maging isang komunidad. Nagulat ang lahat sa ginawa ng Dios sa kanila. Hindi sila ang dahilan ng mga iyon. “Ang Banal na Espiritu ang siyang nagbigay sa kanila ng [kakayahan]” (TAL. 4).
Hindi sa kakayahan natin nakasalalay ang mga gawain ng Dios, kundi sa ginagawa ng Banal na Espiritu.
Hindi sa kakayahan natin nakasalalay ang mga gawain ng Dios. Umaasa lang tayo sa ginagawa ng Espiritu. Dahil diyan, puwede tayong maging matapang at pumayapa. Sa araw ng pagdiriwang natin ng Pentekostes, nawa hintayin natin ang Espiritu at tumugon tayo sa Kanya.
Aking Dios, pinagod ko po ang sarili ko sa pag-aakalang sa akin nakasalalay ang mga bagay. Banal na Espiritu, tulungan Mo po ako.
Paano ka natutuksong umasa sa sariling pagsisikap? Sa anong bagay mo kailangang maghintay sa magagawa ng Espiritu?
Isinulat ni Winn Collier
Comments (0)