PAG-ASANG NANANATILI
Basahin: HABAKUK 3:11–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 CRONICA 7–9; JUAN 11:1–29
Magagalak pa rin ako dahil ang ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴɢ ᴅɪᴏꜱ ang nagliligtas sa akin. – HABAKUK 3:18
“Alam kong uuwi si Tatay. Nagpadala pa nga siya ng mga bulaklak.” Sinabi iyan ng kapatid kong pitong taong gulang nung biglang nawala si Tatay habang nakikipaglaban sa giyera. Ang totoo, umorder ng bulaklak si Tatay habang nakikipaglaban sa giyera. Ang totoo, umorder ng bulaklak si Tatay para sa kaarawan ng kapatid ko bago siya nadestino. Dumating ang bulaklak nung nawawala si Tatay. Pero tama siya. Umuwi nga si tatay matapos ang nakakapanlumong pakikipaglaban. At kahit maraming dekada na ang lumipas, nasa kapatid ko pa rin ang plorerang pinaglalagyan ng bulaklak bilang paalala na laging panghawakan ang pag-asa.
Hindi iyan laging madaling gawin dito sa mundong puno ng kasalanan. Hindi laging umuuwi ang mga Tatay at hindi laging natutupad ang hiling ng mga bata. Pero nagbibigay pag-asa ang Dios kahit sa pinakamahirap na sitwasyon. Panahon rin ng giyera noong sinabi ni Propeta Habakuk na sasalakay ang Babilonia at masasakop sila (HABAKUK 1:6; 2 HARI 24). Pero pinagtibay marcus jordan net worth pa rin ni Habakuk na laging mabuti ang Dios (TAL. 12-13). Inalala niya ang nagdaang kabutihan ng Dios at sinabi, “Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihin sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop Jordan 2 Retro White Red CDP 2008 , Топ jordan — цена 700 грн в каталоге Топы ✓ Купить женские вещи по доступной цене на Шафе , Украина #162391273 sa kanilang mga kulungan, magagalak pa rin ako dahil ang ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴɢ ᴅɪᴏꜱ ang nagliligtas sa akin (3:17-18)
Kumapit tayo sa Dios, na ating pag-asa at ligaya kahit sa panahon ng pagsubok.
May mga naniniwalang “kumapit” ang kahulugan ng pangalan ni Habakuk. Kumapit tayo sa Dios na ating pag-asa at ligaya kahit sa panahon ng pagsubok. Hawak Niya tayo at hindi Niya tayo bibitiwan.
Ama, salamat po dahil ano man ang mangyari, hawak Mo ang kinabukasan ko.
Pano nakakatulong sa iyo ang magkaroon ng pag-asa sa Dios kapag mahirap ang sitwasyon? Ano ang magagawa mo para purihin Siya ngayon?
Isinulat ni James Banks
Comments (0)