PINAGALING NA SUGAT
Basahin: SALMO 147:1–7 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 CRONICA 10–12; JUAN 11:30–57
Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat. – SALMO 147:3
“Lisa. Tulungan mo ako.” Bumilis ang lakad ko dahil sa boses ng asawa ko. Nakita kong may malaking sugat siya sa ulo. Sinubukan ko pero hindi ko mapatigil ang pagdurugo, kaya dinala ko siya agad sa ospital. Doon, tinahi ng doktor ang sugat niya.
May mga sugat na hindi kusang gumagaling. Dapat tahiin para mas malalim ang paghilom. Ganoon din sa mga sugat sa damdamin at espiritu. Sinasabi sa Salmo 147 kung sino ang Siyang makapagbibigay lunas sa mga sugat na iyan.
Tanging sa pagbabalik ni Jesus tuluyang maghihilom ang lahat ng sugat.
Tungkol sa awit ng papuri ang Salmo 147. Inaalala nito ang makapangyarihang paglikha ng Dios (TAL. 4, 8-9, 15-18). Nakapaloob din dito ang paalalang kasama sa makapangyarihang pag-aalaga ng Dios sa nilikha Niya ang patuloy na pagmamahal at pagmamalasakit sa mga hinirang air jordan 3 black cement 2024 Niya. Iyan ang lakas na umaalalay Лосины adidas {original} — цена 299 грн в каталоге Лосины ✓ Купить женские вещи по доступной цене на Шафе , Украина #45668792 , Чоловічі Adidas парки оригінал sa mga sawi at sugatan (TAL. 3), nagbibigay ng kapayapaan (TAL. 14), at gumagabay sa atin sa katotohanan Niya (TAL. 19-20).
Kapag sugatan ang ating puso, nakapagbibigay ng kasiguraduhan ang Salmo 147 na ang Dios na lumikha at naghahari sa mundo ang Siya ring nagmamahal at nag-aalaga sa atin (TAL. 3). Tanging sa pagbabalik ni Jesus tuluyang maghihilom ang lahat ng sugat (PAHAYAG 21:4). Pero puwede tayong mapanatag sa katotohanang kumikilos ang makapangyarihang Dios sa bawat dalamhati at paghihirap na nararanasan natin.
Dios na Manlilikha, namamangha po ako sa mga likha Mo. Salamat po dahil sa Iyong kapangyarihang kayang pagalingin ang puso kong wasak at bigo. Tulungan Mo po akong magpahinga sa Iyo ngayon.
Anong sugat sa buhay mo ang nangangailangan ng paghilom? Paano mapapalakas ang loob mo, habang naghihintay ka ng ganap na paghilom, kung alam mong tinutulungan ka ng Dios?
Isinulat ni Lisa M. Samra
Comments (0)