HINDI INAASAHAN
Basahin: MARCOS 2:13–17 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 14–16; GAWA 9:22–43
Maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan ang kasama nilang kumakain. – MARCOS 2:15
Nang bumisita ako sa Los Angeles, California, natatanaw mula sa bintana ng hotel na aking tinutuluyan ang malalaking letra na “Hollywood” na palaging nakikita sa mga pelikula. Napansin ko rin sa bandang ibaba niyon ang isang malaking krus. Hindi ko inaasahang may makikita akong krus doon dahil hindi ko naman ito nakikita sa mga pelikula. Naisip kong kumikilos din ang Dios sa lugar ng Hollywood.
Hindi rin naman inaasahan ng mga Pariseo ang mga taong sinamahan ni Jesus. Sinabi sa Marcos 2:13-17 na kasama ni Jesus ang “maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan” (TAL. 15). Sinamahan ni Jesus ang mga taong itinuturing na marumi ng kanilang lipunan. Naglaan Siya ng panahon para makasama ang mga taong lubos na nangangailangan sa Kanya. (TAL. 16-17).
Hanggang ngayon, patuloy pa ring kumikilos si Jesus upang maibahagi ang mensahe ng pag-asa at kaligtasan sa mga hindi inaasahang lugar at mga hindi inaasahang tao. Tinawag din naman tayo ni Jesus na maging bahagi ng Kanyang misyon sa pag-abot sa mga taong nangangailangan sa Kanya.
Panginoon, maraming salamat po dahil nakikita ko po ang Iyong pagkilos kahit saan mang dako. Salamat po dahil naging bahagi ako ng Iyong misyon na abutin ang mga taong nangangailangan sa Iyo.
Kailan mo nakitang kumilos ang Dios sa isang hindi inaasahang lugar? Paano ka tutugon sa pagkilos ng Banal na Espiritu upang magamit best nike running shoes ka Niya sa mga lugar na hindi mo inaasahan?
Isinulat ni Adam R. Holz
Leave a Reply