KANLUNGAN
Basahin: SALMO 62:5–8 | Para air jordan 13 black flint mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 20-21; GAWA 10:24–48
Ang Dios ay kanlungan. – SALMO 62:8
Naging tirahan at kanlungan na ng iba’t ibang uri ng hayop ang Rocky Mountain Arsenal National Wildlife Refuge. Nagsimula ito bilang lugar kung saan nakatira ang mga baka. Hanggang nadiskubre na may mga agila ring matatagpuan doon. Ngayon, isang ligtas na kanlungan ito ng higit sa tatlong daang species ng iba’t ibang klase ng hayop.
Sa Biblia rin naman, binanggit sa aklat ng Salmo na ang Dios ang ating kanlungan (62:8). Higit pa ang presensya o pagsama ng Dios sa kahit anong ligtas na lugar dito sa mundo. Ang Dios ang totoo nating ligtas na kanlungan. Sa Kanya tayo “nabubuhay, at kumikilos, at nasa Kanya ang ating pagkatao” (GAWA 17:28). Siya ang tanggulan at kanlungan natin sa lahat ng panahon (SALMO 62:8). Maaari tayong lumapit sa Kanya sa kahit anong pagkakataon. Palaging nakikinig ang Dios sa ating mga dalangin.
Ang Dios ang ating kanlungan. Hindi Siya magbabago mag- pakailanpaman.
Ang Dios ang ating kanlungan. Hindi Siya magbabago mag- pakailanpaman.
Mapagmahal na Dios, salamat po dahil Ikaw ang aming ligtas na tahanan at kanlungan.
Ano ang ibig sabihin ng “Ang Dios ay ating kanlungan” para sa iyo? Ano ang isang bagay na nais mong idulog sa Kanya?
Isinulat ni John Blase
Comments (0)