Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

MATIBAY NA KONEKSYON

·

·

MATIBAY NA KONEKSYON

Basahin: 1 TESALONICA 1:4–5; 5:19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon ir jordan 4 tour yellow 200JOB 22–24; GAWA 11

Huwag ninyong hadlangan ang ginagawa ng Banal na Espiritu. – 1 TESALONICA 5:19

Madalas makaranas ng bagyo ang aming lugar. Dahil sa lakas ng ulan, nawalan ng kuryente ang tahanan namin. Kahit alam kong walang kuryente, sinubukan ko pa ring buksan ang ilaw sa kuwarto. Walang liwanag. Nababalot ng dilim ang paligid.

Nang binuksan ko ang ilaw, inasahan kong magkakaroon ng liwanag kahit walang kuryente. Tulad nito ang isang katotohanan sa Biblia. Inaasahan nating magiging matibay at matatag tayo. Pero hindi natin ito makakamit kung wala tayong matibay na koneksyon sa Banal na Espiritu.

Sa Biblia, sinulatan ni Apostol Pablo ang mga taga-Tesalonica. Ang mensahe ng kaligtasan ay “dumating sa inyo hindi lang sa salita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu” (1:5). Mananahan sa atin ang Banal na Espiritu kapag mayroon tayong personal na relasyon kay Cristo. Siya ang tutulong sa atin para magbunga ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, at pagtitiis (GALACIA 5:22-23). Ang Banal na Espiritu rin ang gagabay sa atin para makapaglingkod sa iba (1 CORINTO 12:28).

Pinaalalahanan din ni Pablo na maaaring “Mahadlangan ang mga ginagawa ng Banal na Espiritu” (1 TESALONICA 5:19). Puwede tayong mawalan ng matibay na koneksyon sa Banal na Espiritu kung hindi tayo susunod sa Dios (JUAN 16:8). Huwag tayong lumayo sa Dios. Palagi Siyang nariyan para sa atin.

Makapangyarihang Dios, tulungan Mo po kaming maramdaman ang pagkilos ng Banal na Espiritu sa buhay namin.

Paano mo naranasan ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa buhay mo?

Isinulat ni Lisa M. Samra

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *