MAHALIN ANG KAPWA
Basahin: LEVITICUS 19:9–18 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 25–27; GAWA 12
Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng sa iyong sarili. – LEVITICUS 19:18 ᴀʙᴀʙ
Natuwa at natuto kami sa isang palaro sa isang pagtitipon sa aming simbahan. Lahat kami ay nakaupo na ng pabilog. May isang taong nakatayo sa loob ng bilog. Bibigkasin niya, “Mahal mo ba ang kapwa mo?” Maaaring sumagot ang katabi niya ng oo o hindi. Kapag hindi ang sagot, maaaring palitan ang katabi.
Minsan naiisip ko kung maaari lang sanang palitan ang kapwa natin—lalo na iyong mga taong hindi maganda ang pakikitungo sa atin. Pero nararapat na mahalin at igalang natin ang ating kapwa kahit pa hindi maganda ang turing nila sa atin.
Binigyan din naman ng Dios ang mga Israelita ng utos kung paano sila makikitungo sa kapwa nila. Sinabi ng Dios na “ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng sa iyong sarili” (LEVITICUS 19:18). Mapapakita naman natin ang pagmamahal sa kapwa natin sa pamamagitan ng hindi pagkakalat ng masasamang kuwento tungkol sa kanila, hindi pananamantala, at hindi pakikipag-away sa kanila (TAL. 9-18).
Tunay na mahirap mahalin nang lubos ang kapwa natin. Pero nariyan si Jesus na tutulong nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 sa atin para magpakita ng pagmamahal sa iba. Pagkakalooban tayo ng Dios ng kalakasan para ibigin ang kapwa natin. Makikitang may Dios sa mga buhay natin sa pagpapakita natin ng pagmamahal sa iba.
Amang Dios, tulungan Mo po akong maipakita sa kapwa ko ang pagmamahal na ipinamalas Mo sa akin.
Sino sa iyong kapwa ang mahirap mahalin? Paano mo sila papakitaan ng pagmamahal na tulad ng ginawa ni Jesus?
Isinulat ni Poh Fang Chia
Leave a Reply