MAY PAGKAKASALA
Basahin: ZEFANIAS 3:1–8 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 7–9; GAWA 18
Pero lalo pa silang nagpakasama. – ZEFANIAS 3:7
May nagawa kaming kasalanan ng kaibigan ko. Natuklasan ito ng aming prinsipal. Kilala ng prinsipal ang mga tatay namin. Sinabi niyang lubos na malulungkot ang mga tatay namin sa aming pagkakasala. Hiyang-hiya kami sa aming maling nagawa.
Sa pamamagitan ni Propeta Zefanias, pinaalala rin naman ng Dios sa mga taga-Juda na umamin at humingi sila ng tawad sa mga pagkakasala nila. Gagawaran ng Panginoon ng parusa ang kanilang mga pagkakamali (KAB. 3). Sinabi ng Dios sa mga ito, “Nakakaawa ang Jerusalem! Ang mga naninirahan dito ay nagrerebelde sa Dios at gumagawa ng karumihan” (3:1). “Pero lalo pa silang nagpakasama” (TAL. 7).
Humingi tayo ng kapatawaran sa Dios mula sa ating mga pagkakasala.
Alam ng Panginoon ang mga pagkakasala ng mga taga-Juda. Wala silang pananampalataya sa Dios, sakim, at mapanlamang sa kapwa. Ganito rin ang ugali kahit pa ng mga pinuno ng bayan. Nagkasala ang lahat sa harapan ng Dios (TAL. 3-4).
Binigyang babala rin naman ni Apostol Pablo ang mga taong nagpapatuloy sa pagkakasala. “Dahil sa matigas ang ulo mo at ayaw mong magsisi, pinabibigat mo ang parusa ng Dios sa iyo sa araw na ihahayag Niya ang Kanyang poot at makatarungang paghatol. Sapagkat ibibigay ng Dios sa bawat isa ang nararapat ayon sa kanyang mga gawa” (ROMA 2:5-6). Nais ng Dios na mamuhay tayo nang banal sa harap Niya. Humingi tayo ng kapatawaran sa Dios mula sa ating mga pagkakasala.
Panginoon, patawarin Mo po ako sa lahat ng mga kasalanan ko.
Bakit natin kailangang aminin ang mga kasalanan natin? Paanong marcus jordan net worth hindi nalulugod ang Dios sa mga pagkakamali natin?
Isinulat ni Tom Felten
Leave a Reply