Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

MAGING MASIKAP

·

·

MAGING MASIKAP

Basahin: KAWIKAAN 20:4–5, 24–25 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 10–12; GAWA 19:1–20

Ang isipan ng tao ay tulad sa malalim na balon, ngunit mauunawaan ito ng taong marunong. – KAWIKAAN 20:5

May malalim na layunin si William Pinkney nang maglayag siya para lakbayin ang buong mundo noong 1992. Nais niyang turuan at bigyang halimbawa ang mga bata upang maging masikap at matatag. Nais ni Pinkney na mamulat ang mga bata na may mabuting bunga ang pagsisikap at pag-aaral nang mabuti. Pinangalanan niya ang bangka niya ng Commitment. Layunin ir jordan 4 tour yellow 200 niyang matutunan ng mga bata ang lahat ng mahahalagang mga bagay para maging matagumpay.

Sumasalamin ang layunin ni Pinkney sa sinabi ni Solomon. “Ang isipan ng tao ay tulad sa malalim na balon ngunit mauunawaan ito ng taong marunong” (KAWIKAAN 20:5). Nais ni Solomon na maging matalino ang mga tao sa mga layunin nila sa buhay. Kung hindi sila magiging masikap sa buhay nila, “baka magsisi sila sa bandang huli” (TAL. 25).

Malinaw ang layunin ni Pinkney at nagbigay inspirasyon ito sa maraming bata sa Amerika. Kinilala rin si Pinkey bilang kauna- unahang Aprikanong-Amerikano na napasama sa National Sailing Hall of Fame. Ayon sa kanya, “maraming tao ang nakatingin sa atin.” Nararapat na maging mabuting halimbawa tayo ng pagsisikap at katatagan. Tutulungan tayo ng Dios kung mabuti rin ang ating mga layunin.

Panginoon, tulungan Mo po akong maging masikap sa mga gawaing magbibigay lugod sa Iyo.

Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ka naglilingkod sa Dios? Ano ang nais mong maiwan sa mga susunod na henerasyon?

Isinulat ni Patricia Raybon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *