Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

KATAHIMIKAN

·

·

KATAHIMIKAN

Basahin: 1 HARI 19:9–14 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 29–30; GAWA 23:1–15

May narinig siyang tinig na parang bulong. – 1 HARI 19:12

May isang kwarto sa Minneapolis, Minnesota na nanaisin mong puntahan dahil napakatahimik dito. Tinaguriang pinakatahimik na lugar sa buong mundo ang kwartong ito dahil kaya nitong alisin ang lahat ng ingay sa paligid. Pinupuntahan ito ng mga tao. Pero nakakatagal lang ng halos apatnapu’t limang minuto ang isang tao sa loob ng silid dahil sa matinding katahimikan.

Ninanais din naman natin kung minsan na magkaroon ng katahimikan sa buhay natin. Maraming mga bagay sa paligid natin ang nagdudulot ng kaguluhan at ingay sa atin. Dahil sa mga bagay na ito, napupuno ng lungkot at galit ang mga puso natin at nalilimutan na natin ang pagtawag ng Dios sa atin.

Natagpuan din ni Propeta Elias ang Dios sa isang tahimik na lugar. Hindi niya nakita ang Dios sa maingay at magulong lugar (1 HARI 19:11-12). Narinig ni Elias ang tinig ng Dios na tulad ng isang bulong. Sa isang payapa at tahimik na lugar niya natagpuan ang Panginoong Dios (TAL. 12-14).

May mga panahong ir jordan 4 tour yellow 200 nais din nating katagpuin ang Dios. Nais nating mapakinggan ang tinig Niya. Lumapit tayo sa Dios nang may kababaang loob. Palagi natin Siyang matatagpuan. Madidinig natin ang tinig Niya sa katahimikan.

Mapagmahal na Ama, nais ko pong mapakinggan ang tinig Mo.

Paano nakikipag-usap ang Dios sa ating mga anak Niya? Bakit kailangang laging lumapit sa Dios at pakinggan Siya?

Isinulat ni Cindy Hess Kasper 

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *