MAGTIWALA SA DIOS
Basahin: EXODUS 5:1–9 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 46–48; GAWA 28
Sinabi ng ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ kay Moises, “Makikita mo ngayon kung ano ang gagawin ko sa Faraon”. – EXODUS 6:1
Nagkaroon ng rebelyon at kaguluhan sa bansang tinitirahan ni David. Naghasik ng kalupitan at takot ang militar sa pamamagitan ng pagpatay sa mga taong nagtitiwala sa Dios. Dahil nawalan ng kabuhayan, napilitan si David at pamilya niya na lumikas. Napunta ang pamilya niya sa iba’t ibang bansa. Napahiwalay si David sa pamilya niya sa loob ng siyam na taon. Maraming lungkot at hirap ang dinanas niya. Namatay din ang ilang kapamilya ni David.
Nakaranas din ang mga Israelita ng kalupitan. Itinalaga ng Dios si Moises bilang pinuno ng mga Israelita para makatakas sila sa mga taga-Egipto. Labag best nike running shoes sa kagustuhan ni Moises na pamunuan ang bayan niya. Pero kinausap ni Moises ang Faraon para palayain sila. Pero lalo lamang silang pinahirapan at inalipin ng mga taga-Egipto (EXODUS 5:6-9). Hindi sila pinalaya ng Faraon. Dahil sa kahirapang naranasan, nagreklamo ang mga Israelita kay Moises. Nagreklamo rin naman si Moises sa Dios.
Kahit pa nakaranas ng matinding kalupitan ang mga Israelita sa kamay ng mga taga-Egipto, pinalaya pa rin sila ng Dios. Tinuruan sila ng Dios na magtiwala sa Kanya sa lahat ng panahon.
Ginugol din naman ni David ang mahabang panahon ng pagkawalay niya sa pamilya para mag-aral nang mabuti. Malupit man ang naranasan niya, pero nagbunga ito. Isa na siyang pastor sa lugar nila. Hindi siya pinabayaan ng Dios. Ang Panginoon din ang ating kalakasan at tagapagtanggol (EXODUS 15:2).
Amang Dios, alam ko pong mapapagkatiwalaan Ka. Patawarin Mo po ako sa tuwing humihina ang pananampalataya ko sa Iyo.
Paano mo pagtitiwalaan ang Dios sa kabila ng hirap na dinaranas mo?
Isinulat ni Tim Gustafson
Comments (0)