TUMAHIMIK
Basahin: LUCAS 5:12–16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ike clogposite 2024 colorway ng isang taon: SALMO 49–50; ROMA 1
Pero laging pumupunta si Jesus sa ilang at doon nananalangin. – LUCAS 5:16
Isang maliit na komunidad sa gitna ng kabundukan ang Green Bank, West Virginia. May kakaibang katangian ang lugar na ito. Hindi naaabot ng internet ang lugar ng Green Bank. Sinadya ito para hindi maputol ng daloy ng internet ang Green Bank Observatory—isang lugar na tinalaga para mag-aral tungkol sa kalawakan. Dahil dito, tinagurian ang Green Bank na pinakatahimik na lugar sa Hilagang Amerika.
Isang mabuting katangian ang katahimikan. Minsan, kailangan natin ng katahimikan para makausap at mapakinggan ang Dios. Tahimik din si Jesus na lumalapit sa pananalangin sa Amang Dios. Binanggit sa Aklat ng Lucas sa Biblia na “laging pumupunta si Jesus sa ilang at doon nananalangin” (5:16). Gawain na ito ni Jesus. Nararapat na maging ugali rin nating maglaan ng oras para manalangin at kausapin ang Dios. Kung si Cristo na Anak ng Dios ay palaging tahimik na nananalangin sa Ama, nararapat na maging ganoon din tayo.
Palagi nawa tayong lumapit sa Dios sa pamamagitan ng tahimik na pananalangin.
Palagi nawa tayong lumapit sa Dios sa pamamagitan ng tahimik na pananalangin. Dito mararanasan natin ang pagkilos at pagmamahal Niya.
Panginoon, kung minsan ay napapalayo ako sa Iyo dahil sa maingay at magulong paligid ko. Tulungan Mo po akong maglaan ng panahon para makausap at makasama Ka.
Anu-ano ang mga maaaring maging hadlang para manalangin ka sa Dios? Paano ka makakapaglaan ng oras para kausapin Siya?
Isinulat ni Bill Crowder
Comments (0)