Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

MANATILI SA DIOS

·

·

MANATILI SA DIOS

Basahin: DEUTERONOMIO 5:1–11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 54–56; ROMA 3

O mga Israelita, pakinggan ninyo ang mga utos at tuntunin na ibibigay Ko sa inyo sa araw na ito. Pag- aralan ninyo ito at sundin. – DEUTERONOMIO 5:1

Isang aksidente sa tren ang naganap sa bansang Espanya. Sakay ng tren ang 218 katao. Pitumpu’t siyam na katao ang nasawi at 66 naman ang nasugatan mula sa aksidente. Hindi maipaliwanag ng drayber ng tren ang naganap. Pero kitang-kita sa video ang buong pangyayari. Napakabilis ng takbo ng tren hanggang sa sumalpok ito. May tinatalagang bilis ng takbo ang mga tren. Pero hindi ito sinunod ng drayber na nagresulta sa isang malagim na aksidente.

Sa Biblia naman, sinasabi sa Deuteronomio 5 na muling pinaalalahanan ni Moises ang mga Israelita tungkol sa utos ng Dios. Sinabi ni Moises sa mga ito na manatili sa Dios at sa mga utos Niya (TAL. 3, 7-21). Pinaalala rin ni Moises sa mga kababayan niya ang mga bunga ng pagsuway sa Dios. Dahil dito, muli niyang hinikayat ang mga Israelita na magpakumbaba at manatiling tapat sa Dios. Pinagkaloob ng Dios ang mga utos para sumunod sa Kanya ang mga tao at huwag silang mapahamak.

Inaanyayahan din tayo ng Dios na manatili sa Kanya. Nariyan ang mga Salita Niya na nagsisilbing gabay air jordan 3 black cement 2024 para sa buhay natin. Ipinagkaloob din ng Dios ang Banal na Espiritu para matuto tayong sumunod at magtiwala sa Kanya nang buong puso.

Panginoong Dios, tulungan Mo po akong maipakita ang pagmamahal ko sa Iyo sa pamamagitan ng aking buong pusong pagsunod sa Iyo.

Paano mo sinusunod ang mga utos ng Dios sa iyo? Paano pinakikita ng Dios ang pagmamahal Niya sa iyo sa pamamagitan ng mga utos Niya?

Isinulat ni Marvin Williams

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *