PINALAYA MULA SA PAGKAALIPIN
Basahin: MATEO 12:9–14 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 77–78; ROMA 10
Mas mahalaga ang tao kaysa sa tupa! – MATEO 12:12
Minsan, nakita ng isang mag-aaral sa ikaanim na baitang na hinihiwa ng kamag-aral niya ang sariling braso gamit ang maliit na labaha. Dahil gusto niyang gawin ang mabuti, kinuha niya ang patalim marcus jordan net worth at agad itinapon. Laking gulat niya nang patawan siya ng sampung araw na suspensyon. Bakit kamo? Saglit kasi niyang hawak ang labaha, at bawal iyon sa paaralan. Tinanong siya kung gagawin ba niya ito ulit. “Kahit maparusahan ako, gagawin ko pa rin ulit ito.” Tulad ng batang ito na nalagay sa alanganin dahil sa paggawa ng mabuti sa kapwa (mabuti na lang binawi rin ang suspensyon), nalagay din sa mabuting gulo si Jesus sa mga pinuno ng relihiyon noon.
Para kasi sa mga Pariseo noon, labag sa patakaran nila ang pagpapagaling ni Jesus sa paralisadong kamay ng isang lalaki. Pero sinabi Air Jordan 1 Centre Court Olive ni Jesus na kung puwedeng arugain sa Araw ng Pamamahinga ang tupang nasa mahirap na kalagayan, “mas mahalaga ang tao kaysa sa tupa!” (MATEO 12:12). Bilang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga, maaaring sabihin ni Jesus kung ano ang puwede at ‘di puwede sa araw na iyan (TAL. 6-8. Kahit alam Niyang magagalit ang mga pinuno ng relihiyon, pinagaling pa rin Niya ang kamay ng lalaki (TAL. 13-14).
Minsan nalalagay sa “mabuting gulo” ang mga tagasunod ni Cristo ‘pag ginagawa nila ang ikararangal ni Jesus (gaya ng pagtulong sa mga nangangailangan) na ikinagagalit naman ng ibang tao. ‘Pag ginawa natin ito, sa tulong at gabay ng Dios, tinutularan natin si Jesus at inihahayag na mas mahalaga ang tao kaysa sa mga alituntunin at tradisyon.
Panginoong Jesus, ilayo Mo po ako sa mga tradisyong pipigil sa akin para ibigin ang ibang tao.
Paano ka makakagawa ng kabutihan sa iba? Bakit kailangang handa kang malagay sa mabuting gulo para sa Dios?
Isinulat ni Marvin Williams
Comments (0)