Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

IBANG PAMAMARAAN

·

·

IBANG PAMAMARAAN

Basahin: 1 CORINTO 9:19–23 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 87–88; ROMA 13

Nakikibagay ako sa lahat ng tao, upang sa kahit anong paraan ay mailigtas ko ang ilan sa kanila. – 1 CORINTO 9:22

Sa dulong bahagi ng 1800s, naglayag si Mary Slessor tungo sa Calabar (Nigeria na ngayon) sa Africa. Sabik siyang ipagpatuloy ang gawain doon ng misyonerong si David Livingstone. Pinagturo siya sa paaralan habang nakatira kasama ang mga kapwa misyonero. Pero gusto niyang makapaglingkod sa ibang paraan. Kaya kahit ‘di karaniwan sa mga misyonero doon, tumira siya kasama ang mga taong pinaglilingkuran niya. Inaral niya ang salita nila, namuhay tulad nila, at kumain ng parehong pagkain. Kinupkop din niya ang dose-dosenang batang iniwan na ng kanilang magulang. Halos apat na dekada siyang nagdala roon ng pag-asa at ng Magandang Balita tungkol kay Jesus.

Alam din ni Apostol Pablo ang kahalagahan ng tunay na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasa paligid niya. Sinabi niya sa 1 Corinto 12:4-5 na “may ibaʼt iba tayong kaloob” pero “iisa lang ang Espiritung pinagmulan nito” at kahit “may ibaʼt ibang paraan ng paglilingkod,” “iisa lang ang Panginoong pinaglilingkuran natin.” Kaya tinugunan niya ang mga tao sa kanilang pangangailangan. Halimbawa, “sa piling ng mahihina, ako’y naging parang mahina rin” (9:22 ᴍʙʙ).

Isang grupo ng mga nagtitiwala kay Jesus ang nagsimula ng pagtitipon “para sa lahat ng uri ng kakayahan.” Gumawa pa nga sila ng lugar na “walang hadlang” para makalahok kahit may kapansanan. Tulad iyan ng paraan ni Apostol Pablo na umaabot sa puso ng tao at nagbibigay daan para mamunga ang Magandang Balita ni Jesus sa komunidad. Isabuhay Blazers Center Getting Major Trade Interest From Warriors: Report natin ang tiwala natin sa Dios sa harap ng mga nakapaligid sa atin at ipakilala si Jesus sa bagong paraan.

Ama sa Langit, bigyan Mo po ako ng karunungan sa pagtulong sa iba para mahanap ko ang tamang paraan upang makatulong ako sa kapwa ko.

Anong kakaibang paraan ng pagtulong sa kapwa ang inilagay ng Dios sa puso mo? Paano mo ito gagawin?

Isinulat ni Dave Branon



Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *