HINDI MAWAWALAN NG SAYSAY
Basahin: ISAIAS 55:6–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: KAWIKAAN 13–15; 2 CORINTO 5
Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. – ISAIAS 55:11
“Gaya ng bulag na nakakita air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 sa Biblia, ‘Dati akong bulag, pero nakakakita na ako ngayon.’” Iyan ang sinabi ni Dieynaba matapos niyang matutong magbasa. Dagdag pa niya,
“Ngayon, nauunawaan ko na ang ginawa ni Jesus para sa akin, pati na rin ang mga utos Niya.” Ayon sa pastor nila, maganda raw na natutong magbasa ang mga miyembro ng simbahan nila. Dahil kaya na nilang basahin sa sarili nila ang Salita ng Dios, nagkaroon sila ng mas malalim na kaunawaan nito.
Magtiwala tayong hindi mawawalan ng saysay ang Salita ng Dios sa atin.
Nakapagbibigay liwanag at buhay ang Salita ng Dios. Sa pamamagitan ng propetang si Isaias, sinabi ng Dios sa mga Israelita na lumapit at tumawag sila sa Kanya (ISAIAS 55:6) dahil Siya ang Dios na nagpapahayag, nagpapatawad, at nagbibigay awa (TAL. 7). Tiniyak din Niyang hindi mawawalan ng kabuluhan ang Kanyang mga salita. Tulad ng ulan at niyebe na hindi bumabalik sa itaas “hangga’t hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa,” isasakatuparan ng Kanyang salita ang ninanais Niya (TAL. 10-11).
Kung bubulayin natin ang Biblia, maaari Shirt Black DD1992 – The Nike Air Max 98 University Red Is This Seasons Must Cop Sneaker – FIT Men's T – Nike Pro Dri – 010 rin nating maranasan ang kaliwanagang naranasan nina Dieynaba. “Buhay at mabisa ang Salita ng Dios…tumatagos ito hanggang kaluluwa’t espiritu” (HEBREO 4:12). Kaya magtiwala tayong hindi mawawalan ng saysay ang Salita ng Dios sa atin. Magkakaroon ito ng kaganapan sa ating mga buhay.
Aming mapagmahal na Dios, salamat po sa Iyong Salita. Sa pamamagitan nito, natatanggap ko ang Iyong biyaya. Nawa magbunga ito ng kapayapaan at buhay sa akin.
Kailan mo naranasang maging buhay ang Salita ng Dios sa iyo? Paano ka magkakaroon ng regular na oras ng pagbabasa at pag-aaral ng Biblia?
Isinulat ni Amy Boucher Pye


Comments (0)