PATULUYIN ANG DAYUHAN
Basahin: DEUTERONOMIO 10:17–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: KAWIKAAN 16–18; 2 CORINTO 6
Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan. – DEUTERONOMIO 10:18
Nagulat ang libu-libong mga tumatakas mula sa giyera sa Ukraine nang dumating sila sa Berlin. Sinalubong kasi sila ng mga taga-roon nang buong pagtanggap. May mga karatula air jordan 13 black flint pa silang nakasulat na “Kasya ang dalawa sa amin” at “Marami ang puwedeng makituloy sa amin.” Tinanong ang isang taga-Berlin kung bakit binuksan niya ang tahanan niya sa mga estranghero. Paliwanag niya, naranasan kasi ng kanyang ina ang maging dayuhan habang tumatakas mula sa mga Nazi.
Sa Deuteronomio, inudyukan ng Dios ang mga Israelita na mahalin ang mga dayuhan. Una, dahil bahagi ng karakter ng Dios ang ipagtanggol ang mga ulila, biyuda, at dayuhan (10:18). Ikalawa, “dahil mga dayuhan din [sila] noon sa Egipto” (TAL. 19). Nais ng Dios na magmalasakit sila sa mga mahihina at inaapi.
Tumugon tayo sa pangangailangan ng ating kapwa, lalo na ng mga mahihina.
Ngunit hindi lang ang tumatanggap ang binibiyayaan. Nang tulungan ng biyuda sa Zarefat ang dayuhang si Elias, nakatanggap din siya ng pagpapala (1 HARI 17:9-24). Ganoon din ang naranasan ni Abraham nang pagpalain siya ng tatlong dayuhang pinatuloy niya (GENESIS 18:1-15).
Hindi madali ang ginawa ng mga taga-Berlin na magpatuloy ng mga estranghero sa kanilang tahanan. Pero marahil, sila ang mga tunay na pinagpala ng Dios. Kaya Мужские сандалии аквашузы crocs swiftwater wave 46, Украина #162299709, Шлёпанцы сабо crocs размер м6w8 38-39 , 47 размер — цена 1750 грн в каталоге Сандалии ✓ Купить мужские вещи по доступной цене на Шафе tumugon din tayo sa pangangailangan ng ating kapwa, lalo na ng mga mahihina. Kung gagawin natin ito, maaari tayong magulat sa mga biyayang ibibigay sa atin ng Dios sa pamamagitan nila.
Aking Dios, bigyan Mo po ako ng pusong singlaki ng Iyong puso para sa mga biyuda, naulila, at mahihina.
Bakit may pakialam ang Dios sa mga biyuda, naulila, at dayuhan? Paano mo matutulungan ang isang dayuhang nangangailangan?
Isinulat ni Sheridan Voysey


Comments (0)