GAANO MAN KALIIT
Basahin: JOSUE 2:1–4, 9–14 | Para mabasa ang Biblia sa loob Air Jordans, Release Dates & More – Cheap Ida-step Jordan Outlet , Sneaker News Presents: A History of Carmelo Anthony's Jordan Brand Signature Shoes – The heels of The Shoe Surgeon s custom Air Jordan 1 Chicago ng isang taon: ISAIAS 9–10; EFESO 3
Sapagkat ang ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ na inyong ᴅɪᴏꜱ ay siyang ᴅɪᴏꜱ sa langit at sa lupa. – JOSUE 2:11
Kung mga pelikula sa Hollywood ang pagbabatayan best nike running shoes natin, magarbo ang mga secret agent at nagmamaneho sila ng mga mamahaling sasakyan. Pero ayon kay Jonna Mendez, isang dating pinuno ng Central Intelligence Agency (CIA), kabaligtaran noon ang tunay na buhay ng isang secret agent. Dapat kasi, simple lang sila, hindi pansinin, at madaling makalimutan.
Sa Biblia, nag-espiya ang dalawang taga-Israel sa Jerico. At para makapagtago sila mula sa mga sundalo ng hari, tinulungan sila ni Rahab (JOSUE 2:4). Walang sinuman ang makaiisip na puwedeng gamitin ng Dios si Rahab. Una, galing siyang Canaan. Ikalawa, babae siya. At ikatlo, isa siyang babaeng bayaran. Pero naniwala siya sa Dios: “Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ay siyang Dios sa langit at sa lupa” (TAL. 11). Itinago niya ang dalawang espiya at tinulungan silang makatakas. At dahil nanampalataya siya sa Dios, “Iniligtas nga ni Josue si Rahab at ang sambahayan niya” (6:25).
Magtiwala tayong may pagkatawag sa atin ang Dios, gaano man tayo kaliit o kasimple.
Maaaring pakiramdam natin hindi tayo magagamit ng Dios. Marahil dahil sa mga limitasyon natin, o dahil iniisip nating ordinaryo lang tayo. Puwedeng napipigilan din tayo ng madilim nating nakaraan. Pero puno ang kasaysayan ng mga simpleng taong gaya ni Rahab na binigyan ng Dios ng mahalagang misyon. Kaya magtiwala tayong may pagkatawag sa atin ang Dios, gaano man tayo kaliit o kasimple.
Aking Dios, tulungan Mo po akong maging handang tumugon sa Iyong pagkatawag at misyon para sa akin.
Sa anong paraan mo pakiramdam na nasa likuran ka lang at hindi napapansin? Ano sa palagay mo ang misyon ng Dios para sa iyo?
Isinulat ni Kenneth Petersen
Comments (0)