HUWAG PANGHINAAN NG LOOB
Basahin air jordan 3 black cement 2024: 2 CORINTO 4:16–18 | Para mabasa ang Biblia nike air jordan 1 factory outlet sa loob ng isang taon: JEREMIAS 3–5; 1 TIMOTEO 4
Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na unti-unting humihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu. – 2 CORINTO 4:16
Hindi ko na maalala ang panahong may mabuting kalusugan ang nanay kong si Dorothy. Bilang isang diabetic, pabago-bago ang kanyang blood sugar. Lumala ang mga komplikasyon at sumailalim siya sa permanenteng dialysis dahil sa pinsala sa kanyang mga bato. Dahil sa neuropathy at mga baling buto, kinailangan rin niyang gumamit ng wheelchair. Unti-unti ring lumabo ang kanyang paningin.
Ngunit habang humihina ang katawan ni Nanay, lalo namang tumindi ang pagtitiwala niya sa Dios. Ginugugol niya ang mahabang oras upang ipanalangin ang iba. Naging mas matamis sa kanya ang Salita ng Dios. Bago tuluyang lumabo ang kanyang paningin, sumulat siya ng liham sa kanyang kapatid na si Marjorie. Binanggit ni Nanay sa kanya ang 2 Corinto 4: “Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na unti-unting humihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu” (TAL. 16).
Araw-araw tayong binabago, pinapalakas, at binibigyan ng pag-asa ng mapagmahal na Ama.
Alam ni Apostol Pablo kung gaano kadaling panghinaan ng loob. Sa 2 Corinto 11, inilarawan niya ang kanyang buhay—isang buhay ng panganib, sakit, at kakulangan (TAL. 23–29). Ngunit tiningnan niya ang mga “paghihirap” bilang pansamantala lamang. Hinihimok niya tayong ituon ang ating isipan hindi lang sa mga bagay na nakikita, kundi pati sa mga bagay na hindi natin nakikita—ang mga bagay na walang hanggan (4:17–18).
Sa kabila ng anumang nangyayari sa atin, patuloy tayong binabago ng ating mapagmahal na Ama araw-araw. Tiyak ang Kanyang pagsama sa atin. Sa pamamagitan ng regalo ng panalangin, lagi Siyang nariyan—isang hininga lamang ang layo. At nananatiling totoo ang Kanyang mga pangakong palalakasin at bibigyan tayo ng pag-asa at kagalakan.
Dios Ama, salamat po sa Iyong tapat na pagmamahal at sa pagkilos N’yo sa aking buhay.
Isinulat ni Cindy Hess Kasper

Comments (0)