Church of Christ At San Antonio 33 A.D.

ISANG BAGAY NA KAILANGAN

·

·

ISANG BAGAY NA KAILANGAN

Basahin: LUCAS 10:38–42 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EZEKIEL 1–2; HEBREO 11:1–19

Hindi ka mapalagay at abalang-abala ka sa maraming bagay. Ngunit isang bagay lang ang kailangan. – LUCAS 10:41–42

Nanguna ako sa isang retreat. Naging tema namin sina Maria at Marta—mga kapatid ni Lazarus na minahal ni Jesus (JUAN 11:5). Nasa malayong lugar kami noon, malapit sa baybaying dagat. Dahil sa lakas ng niyebe, hindi kami makauwi. Sabi ng ilang kalahok, puwede naming gamitin ang karagdagang araw para magsanay umupo sa paanan ni Jesus tulad ni Maria. Gusto rin nilang gawin ang iisang bagay na kailangan (LUCAS 10:42)—ang piliing maging malapit kay Jesus at matuto mula sa Kanya. Ito ang buong pag-ibig na sinabi ni Jesus na dapat gawin ni Marta.

Hindi alam ni Marta na bibisita sa kanila sina Jesus at mga kaibigan Niya. Naghahabol siya sa oras. Kaya maiintindihan natin kung bakit aburido si Marta kay Maria na hindi tumulong sa paghahanda. Pero nawala ang tuon ni Marta sa tunay na mahalaga—ang tumanggap mula kay Jesus habang natututo sa Kanya. Hindi sinita ni Jesus si Marta dahil sa kagustuhan niyang magsilbi. Sa halip, pinaalalahanan Niya si Marta dahil nakaligtaan nito ang pinakamahalaga.

Sa tuwing magiging bugnutin tayo dahil sa mga paggambala sa atin o sa dami ng gusto nating gawin, tumigil muna tayo. Ipaalala nike jordan flight 45 burgundy blue suit for women natin sa sarili natin kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay. Habang nakaupo tayo sa paanan ni Jesus, hilingin nating punuin Niya tayo ng pag-ibig at buhay Niya. Magalak tayo na iniibig Niya tayo at tinuturing Niya bilang mga disipulo.

Salamat po, Jesus, na nais Mo akong turuan. Tulungan Mo po akong huwag ike clogposite 2024 colorway magambala ng mga gawain at ituon ang sarili ko sa Iyo.

Ano ang nakahahadlang para ituon mo ang sarili mo kay Jesus at tanggapin ang nais Niyang ipagkaloob sa Iyo? Paano ka puwedeng umupo sa paanan Niya ngayon?

Isinulat ni Amy Boucher Pye

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *

https://sachurchofchrist.church/wp-content/plugins/share-christmas-tunes-decorations/public/partials/mp3/Ding_Dong_Merrily.mp3