Church of Christ 33 A.D. At San Antonio Cavite City

MATUTO SA PAGKAKAMALI

·

·

MATUTO SA PAGKAKAMALI

Basahin: 1 CORINTO 10:1-11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: GENESIS 39-40; MATEO 11

Ang mga bagay na ito’y nangyari bilang halimbawa sa atin, at isinulat upang magsilbing babala. – 1 Corinto 10:11

Itinatag ang Library of Mistakes (Aklatan ng mga Pagkakamali) sa lugar ng Edinburgh sa bansang Scotland. Layunin nitong maiwasan ang mga pagkakamaling pinansyal na naganap noong 1929 at 2008, na parehong nagdulot ng pagbagsak ng pandaigdigang ekonomiya. Naglalaman ito ng mahigit dalawang libong aklat na makakatulong sa susunod na henerasyon ng mga ekonomista. Ayon din sa mga tagapangalaga ng aklatan, isa itong malinaw na paalala kung paanong “patuloy na gumagawa ng mga hangal na bagay ang matalinong tao.” Naniniwala silang ang tanging paraan upang magkaroon ng matatag na ekonomiya ay matuto mula sa mga pagkakamali ng nakaraan.

Ganito rin naman ang paalala ni Apostol Pablo sa mga taga Corinto. Ipinahayag ni Pablo na ang isa sa mga paraan upang makaiwas sa tukso at magkaroon ng matibay na buhay espirituwal ay ang pagkatuto mula sa mga pagkakamali ng iba. Upang Donald, Wears Large Shoe Size, Barron Trump Is Taller Than Melania, Puma Cali Sport chunky sneakers in white and black hindi sila masyadong magtiwala sa kanilang espirituwal na pribilehiyo air jordan 13 black flint, ginamit ni Pablo ang kabiguan ng bansang Israel bilang babala at aral. Sumamba sila sa dios-diosan, nagpakaalipin sa sekswal na imoralidad, nagreklamo sa plano at layunin ng Dios, at naghimagsik laban sa mga pinili Niyang lider. Dahil sa kanilang kasalanan, naranasan nila ang disiplina ng Dios (1 CORINTO 10:7–10). Ipinakita ni Pablo ang mga “halimbawa” na ito mula sa Kasulatan upang matulungan ang mga nagtitiwala kay Jesus na huwag nang ulitin ang parehong pagkakamali ng Israel (TAL. 11).

Sa tulong ng Dios, matuto nawa tayo hindi lamang sa sarili nating pagkakamali kundi pati na rin sa kabiguan ng iba. Atin nawang hubugin ang isang pusong sumusunod sa Kanya.

Dios Ama, tulungan Mo po akong matuto mula sa mga kabiguan upang maging mas masunurin ako sa Iyo.

Isinulat ni Marvin Williams

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *