Church of Christ 33 A.D. At San Antonio Cavite City

PILIING SUMUNOD SA DIOS

·

·

PILIING SUMUNOD SA DIOS

Basahin: JOSUE 24:14-18 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: GENESIS 41-42; MATEO 12:1-23

Mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo… Pero para sa akin at sa pamilya ko maglilingkod kami sa ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ. – Josue 24:15

Ayon sa pahayagang Daily Mirror, mahigit 773,618 na desisyon ang ginagawa ng isang tao sa buong buhay niya. Ayon pa sa kanila, “143,262 sa mga ito ang pinagsisisihan natin.” Hindi ko alam kung paano nila nabilang ang mga iyon. Pero sigurado akong napakarami nating kailangang pagdesisyonan. Kung iisipin natin ito, maaari tayong manghina o matakot, lalo na dahil may kaakibat na bunga ang bawat desisyon.

Naharap din sa malaking desisyon ang mga Israelita. Pagkatapos ng apatnapung taon na paglalakbay sa ilang, narating nila sa wakas ang hangganan ng lupang ipinangako sa kanila. Nang makapasok na sila sa lupaing iyon, binigyan sila ng kanilang pinunong si Josue ng isang hamon: “Igalang n’yo ang Panginoon at paglingkuran na may katapatan air jordan 3 black cement 2024. Itakwil na ninyo ang mga dios-diosang sinasamba noon ng mga ninuno n’yo” (JOSUE 24:14). Dagdag pa niya, “Pero kung ayaw n’yong maglingkod Nike air jordan max 13 hologram Bred Black Red 2019 Release Date , air jordan max 1 rebel chicago white varsity red black , IetpShops sa ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo… Pero para sa akin at sa pamilya ko maglilingkod kami sa ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ” (TAL. 15).

Sa bawat araw na dumarating, panibagong mga posibilidad ang haharapin natin. Kasama nito ang maraming pagdedesisyon. Kapag naglaan tayo ng oras sa pananalangin at paghingi ng gabay sa Dios, maaapektuhan nito ang mga desisyong ating ginagawa. Sa tulong ng Banal na Espiritu, maaari tayong mamuhay na sumusunod sa Dios araw-araw.

Anong mga desisyon ang pinagsisihan mo? Ano kaya ang naging resulta kung naging mas maingat ka o hindi nagpadalos-dalos sa oras na iyon?

Dios Ama, kung minsan, nakakalula po ang mga bagay na dapat kong pagdesisyonan. Pakiusap, gabayan Mo po ako sa bawat hakbang at pagdedesisyon ko upang Ikaw ang Siyang maluwalhati.

Isinulat ni Bill Crowder

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *