PATAK-PATAK NA BIYAYA
Basahin: 1 JUAN 4:9-19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EXODUS 1-3; MATEO 14:1-21
Umiibig tayo sa Dios dahil Siya ang unang umibig sa atin. – 1 Juan 4:19
“Sa lahat ng bagay, naghahanap tayo ng mga komportableng paraan ng paglilingkod sa Dios.” Isinulat iyan ni Teresa of Avila, isang mananampalataya noong ika-16 na siglo. Tapat
niyang inilahad na kadalasan, nais nating manatiling may kontrol sa ating buhay. Aniya, mas pinipili natin ang maginhawang landas, kaysa sa lubusang pagsuko sa Dios. Unti-unti at kung minsan, may alinlangan tayo bago matutong magtiwala sa Kanya nang buo. Kaya’t ikinumpisal ni Teresa, “Habang unti-unti naming iniaalay sa Iyo ang aming buhay, kailangan din naming matutong makuntento sa pagtanggap ng Iyong patak-patak na biyaya—hanggang sa tuluyan naming maisuko ang aming buong sarili sa Iyo.”
Unti-unti, pinupuno ng Dios ng Kanyang biyaya ang ating puso.
Bilang mga tao, hindi natural air jordan 4 retro red thunder sa marami sa atin ang magtiwala. Kaya kung nakadepende ang pagtanggap natin sa biyaya at pag-ibig ng Dios sa kung gaano tayo kahusay magtiwala, tiyak na malaki ang magiging problema natin.
Ngunit ayon sa 1 Juan 4, ang Dios ang “unang umibig sa atin” (TAL. 19). Minahal Niya tayo kahit hindi pa natin Siya minamahal, sukdulang ihandog Niya ang Kanyang Anak para sa atin. Kaya naman buong pagkamangha at pasasalamat na isinulat ni Juan na “ito ang tunay na pag-ibig” (TAL. 10).
Dahan-dahan at unti-unti, hinuhubog ng Dios ang ating puso para tanggapin ang Kanyang pag-ibig. Dahan-dahan, sa Kanyang biyaya, lumalaya tayo mula sa takot (TAL. 18). At unti-unti, pinupuno ng Kanyang biyaya ang ating puso hanggang sa maranasan natin ang masaganang ulan ng Kanyang kagandahan at pag-ibig.
Sa paanong paraan mo naranasan ang pagpatak ng biyaya ng Dios sa iyong buhay? Paano ka tinulungan Jordan 1 Metallic Purple – Analysis and More – AIR JORDAN 8 CIGAR & CHAMPAGNE, Sports Illustrated air jordan 5 shoes in white purple ng Kanyang pag-ibig na mapalitan ang takot ng pag-asa at tiwala?
Tapat na Dios, salamat po dahil minahal Mo ako bago pa man ako natutong magtiwala sa Iyo. Salamat po sa Iyong matiyaga at mapagmalasakit na paglapit sa akin, saan man ako naroroon.
Isinulat ni Monica La Rose


Comments (0)