TOTOO ANG KATAPATAN NG DIOS
Basahin: 2 SAMUEL 22:1-4, 48-51 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: LEVITICUS 11-12; MATEO 26:1-25
Kaya pararangalan ko Kayo sa mga bansa, O ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ. Aawitan ko Kayo ng mga papuri. – 2 Samuel 22:50
Sa loob ng 70 taon ng makasaysayang panunungkulan ni Queen Elizabeth II sa bansang Britain, iisang talambuhay lang ang sinuportahan niya, ang The Servant Queen and the King She Serves (Ang Aliping Reyna at ang Haring Kanyang Pinaglilingkuran). Inilathala ito bilang pagdiriwang sa kanyang ika-90 na kaarawan. Mababasa dito kung paanong naging gabay niya sa paglilingkod sa bansa ang kanyang pananampalataya. Sa paunang salita ng aklat, ipinahayag ng reyna ang pasasalamat sa lahat na nanalangin para sa kanya. Nagpasalamat air jordan 6 carmine 2021 release date din siya sa Dios sa pag-ibig Niyang hindi kumukupas. Sa huli sinabi niya, “Totoong nakita ko ang Kanyang katapatan.”
Simple lang ang pahayag ni Queen Elizabeth. Ngunit sumasalamin ito sa mga patotoo ng maraming mga kalalakihan at kababaihan sa kasaysayang nakaranas din ng katapatan ng Dios. Ito rin ang paksa ng awit ni Haring David habang pinagninilayan niya ang kanyang buhay. Nakatala sa 2 Samuel 22 kung paano iningatan, pinagpala, at iniligtas ng Dios si David mula sa mga panganib (TAL. 3-4, 44). Bilang tugon sa katapatan ng Dios, isinulat ni David, “Aawitan ko kayo ng mga papuri” (TAL. 50).
Mas makikita natin ang yaman ng katapatan ng Dios sa pagdaan ng panahon.
Mas makikita natin ang yaman ng katapatan ng Dios sa pagdaan ng panahon. Ngunit hindi naman natin kailangang maghintay pa nang matagal para ihayag ang katapatan Niya. Kung kikilalanin nating ang lahat ng ating katagumpayan ay dahil sa tapat na pangangalaga ng ating mapagmahal na Dios, bubukal ang pasasalamat at pagpupuri sa ating mga puso.
Paano mo nakita ang katapatan ng Dios sa iyong buhay? Paano mo Siya pasasalamatan?
Ama naming nasa langit, labis po akong air jordan 3 black cement 2024 nagpapasalamat sa bawat yugto ng buhay ko. Sa kalungkutan man o sa kagalakan, nakita ko po ang Iyong tunay na katapatan.
Isinulat ni Lisa M. Samra


Comments (0)