Pinatawad
Basahin: Salmo 103:7–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Genesis 25-26 Mateo 8:1–17
Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din Niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan. — Salmo 103:12
May laruan ako noong bata pa ako na gustung-gusto ko. Naglalaan ako ng ilang oras sa paglalaro kapag hawak ko iyon. Matapos ko kasing gumuhit o sumulat sa laruan ko na iyon ay nagagawa nitong mabura lahat para makagawa ulit ako ng bagong maiguguhit.
May pagkakatulad naman sa laruan ko ang ginagawa ng Dios na pagpapatawad sa ating kasalanan. Binubura ng Dios ang ating mga kasalanan at nililinis tayo. Ginagawa ito ng Dios sa lahat ng magtitiwala sa Kanyang Anak na si Jesus. Kaya, kahit naalala natin ang mga nagawa nating kasalanan, pinipili ng Dios na patawarin tayo at kalimutan ito. Nakikita ng Dios ang sakripisyong ginawa ni Jesus sa krus.
O aming mapagmahal na Dios, maraming salamat po sa kapatawaran na Iyong ipinagkaloob sa amin.
Lubusang nililinis ng Dios ang ating kasalanan at hindi Niya inaakusahan nang ayon sa nagawa nating mga kasalanan (Salmo 103:10). Sa halip, pinatatawad Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang kagandahang-loob. Binibigyan din tayo ng Dios ng bagong buhay upang mamuhay nang ayon sa nais Niya. Inaalis din nito ang anumang kahihiyan na dulot ng kasalanan dahil sa kamangha-manghang biyayang ito ng Dios.
Ipinapaalala naman sa atin ng mga sumulat ng Salmo na inihiwalay tayo ng kasalanan sa Dios na parang kasing layo mula sa silangan hanggang kanluran (Tal.12). Pero ganoon din kalayo kung nilimot ng Dios ang kasalanan ng mga nagtitiwala kay Jesus. Ang mga taong nakatanggap ng kapatawaran at kagandahang- loob ng Dios.
Paano ka nagpapasalamat sa Dios na pinatawad ka sa iyong mga kasalanang nagawa?
Isinulat ni Katara Patton
Leave a Reply