KINAGIGILIWAN AT INIIBIG NG DIOS

·

·

KINAGIGILIWAN AT INIIBIG NG DIOS

Basahin: JEREMIAS 1:1-10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 CRONICA 23-24; JUAN 15

Bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita. – Jeremias 1:5

Marahil nakita mo na ang simbolong “like” sa Facebook. Ito iyong nakataas na kaliwang hinlalaki na ginagamit para ipahayag ike clogposite 2024 colorway ang pagkagiliw. Malaking bahagi na iyan ng buhay ng marami sa atin kaya parang nakakagulat na noong 2009 lang pala iyan naimbento ni Justin Rosenstein. Sabi niya, idinisenyo niya iyan dahil nais niyang tumulong makagawa ng “mundo kung saan itinataas ng mga tao ang isa’t isa kaysa hinihila pababa.” Pero ikinalungkot niyang nagdulot iyan sa pagkalulong ng marami sa social media na gaya ng Facebook.

Sa tingin ko, natumbok ng imbensyon ni Rosenstein ang malalim na pangangailangan ng tao na makagiliwan at makipag-ugnayan sa iba. Nais nating makilala at mapansin tayo ng iba – at like nila tayo. Kahit bago pa lang ang simbolong like, kasing edad naman ng paglikha ng Dios sa tao ang pagnanais na makilala tayo ng iba at makila rin natin sila.

Inaanyayahan tayo ng Dios sa isang buhay na may pakay at layunin. 

Gayon pa man, parang hindi pa rin nakasasapat ang like sa social media, hindi ba? Mabuti na lang, hindi hamak na mas malalim pa riyan ang pag-ibig ng Dios sa atin. Ipinakita sa Jeremias 1:5 na lubos na malalim ang layunin ng Dios sa isang propetang hinirang Niya: “Bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita.”

Kilala na ng Dios ang propeta bago pa siya nabuo, at may inilaan nike navy acg fw18 , nike navy acg fw18 Low Release Date – SBD na ang Dios na makabuluhang pakay para sa buhay niya (TAL. 8-10). Inaanyayahan din tayo ng Dios sa isang buhay na may pakay at layunin habang nakikilala natin Siya bilang ating Amang malalim ang pagkakakilala at pagkagiliw sa atin.

Paano nakakaapekto sa pakikipagkapwa mo ang malalim na pagkakakilala sa Dios? Paano nagdudulot ng kapayapaan ang pagkakaroon ng layunin sa buhay?

Ama, tulungan Mo po akong manahan sa pag-ibig at layunin Mo sa akin, at sa katotohanan ng malalim Mong pagkalinga habang hinuhubog Mo ako para sa bawat araw na plano Mo para sa akin.

Isinulat ni Adam R. Holz 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *