INAASAHANG PAGDATING

·

·

INAASAHANG PAGDATING

Basahin: MATEO 24:36-44 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EZRA 6-8; JUAN 21

Kaya maging handa rin kayo, dahil ako na Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan. – Mateo 24:44

Hinihintay ng kaibigan kong si Pablo ang pagdating ng mekanikong gagawa ng refrigerator nila. Maya maya pa, may nag-text sa kanya: “Asahang darating si Jesus mga 11:35 ng umaga. Papunta na siya.” Jesús (bigkas: hay-SOOS) pala ang pangalan ng mekaniko.

Subalit, kailan air jordan 13 black flint nga ba natin maaasahang dumating si Jesus na Anak ng Dios? Noong nagkatawang tao Siya at nabuhay sa mundo para pagbayaran ang kasalanan natin halos dalawang libong taon na ang nakararaan, sinabi Niyang babalik Siya. Pero ang Ama lang ang nakakaalam ng eksaktong “araw o oras” ng Kanyang pagbabalik (MATEO 24:36). Ano kaya ang magiging epekto sa pang- araw araw nating mga pinagkakaabalahan kung batid natin ang oras ng pagbabalik sa mundo ng ating Tagapagligtas? (JUAN 14:1-3).

Mamuhay tayo araw-araw na isinasaalang-alang ang buhay na walang-hanggan.

Nais ni Jesus na maging handa tayo para sa pagbabalik Niya: “Dahil ako na Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan” (MATEO 24:44). Paalala Niya: “Kaya maging handa kayong lagi, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng pagdating ng inyong Panginoon” (TAL. 42).

Sa araw ng pagbabalik ni Cristo, hindi tayo makatatanggap sa cellphone ng paalala para makapaghanda. Kaya, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na kumikilos sa atin, mamuhay tayo araw-araw na isinasaalang-alang ang buhay na walang-hanggan. Paglingkuran natin ang Dios at huwag isawalang bahala ang pagkakataong ipahayag sa iba ang Kanyang mensahe ng pag-ibig at pag-asa.

Paano ka nagagabayan ng kaalamang malapit nang bumalik si Jesus? Ano ang maaasahan mo kapag muli na Siyang adidas tycane lenses for sale on craigslist cars , adidas' Contemporary Hybrid Silhouette, IetpShops, adidas mens manazero pants suits shoes bumalik?

Ama, tulungan Mo po akong sundin Ka, ituon ang sarili sa kabanalan, at antabayanan si Cristo habang naghihintay ako.

Isinulat ni Cindy Hess Kasper



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *