TUMAWAG KA SA IYONG AMA
Basahin: ROMA 8:12-21 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 28-29; GAWA 13:1-25
Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, matatawag na ninyong “Ama” ang Dios. – Roma 8:15
Isang 92 taong gulang na babae air jordan 4 retro red thunder ang nakatanggap ng tawag. Sabi niya sa kausap, “Oo, ayos naman ako. Napakinggan ko ang balita sa radyo… Sige, bisitahin mo ako kapag may oras ka…” Sino ang kausap niya? Ang anak niyang si Harry Truman, presidente ng Amerika. Tumawag ang presidente sa kanyang ina matapos niyang ianunsyong tapos na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kahit ano pa ang edad at marating natin sa buhay, hindi maiaalis na gusto nating marinig na ipinagmamalaki tayo ng mga magulang natin. Kahit ano pang titulo ang makamit natin, mananatili tayong mga anak nila.
Mayroon ka bang mga pangangailangan? Huwag kang mag-atubiling tumawag sa iyong Ama.
Nakalulungkot isiping may mga anak at magulang na hindi maganda ang relasyon sa isa’t isa. Buti na lang matatawag nating Ama ang Dios, sa pamamagitan ni Jesus. Nang tanggapin natin si Jesus, naging bahagi tayo ng pamilya ng Dios. “At ang Espiritu na tinanggap ninyo ay… ginawa kayong mga anak ng Dios” (ROMA 8:15). Kaya naman “tagapagmana tayo ng Dios” (TAL. 17). Kapag lalapit tayo sa Dios, hindi na bilang mga alipin kundi bilang mga anak. Maaari na natin Siyang tawaging “Ama” gaya ng pagtawag sa Kanya ni Jesus na “Ama” (TAL. 15, BASAHIN RIN ANG MARCOS 14:36).
Mayroon ka bang mga kaganapan sa buhay na gusto mong ipamalita? Mayroon ka bang mga pangangailangan? Huwag kang mag-atubiling tumawag sa iyong Ama.
Anong balita o pangangailangan ang gusto mong ibahagi sa iyong mga magulang? Ano naman ang gusto mong sabihin sa iyong Ama sa langit?
Ama, salamat po dahil maaari akong tumawag sa Iyo anumang oras at panahon.
Isinulat ni Mike Wittmer


Leave a Reply