PAKIKIPAGBUNO SA DIOS

·

·

PAKIKIPAGBUNO SA DIOS

Basahin: GENESIS 32:22-32 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 30-31; GAWA 13:26-52

Nang nag-iisa na siya, may dumating na isang lalaki at nakipagbuno sa kanya. Nagbunuan sila hanggang mag-uumaga. – Genesis 32:24

Matapos pumanaw ang asawa kong si Alan, nakatanggap ako ng sulat. “Nakipagbuno si Alan tulad ni Jacob, at isa siyang dahilan bakit nananatili akong tagasunod ni Jesus.” Tama siya. Maraming naging mga tanong si Alan at nakipagbuno siya sa Dios para sa mga kasagutan. Mahal niya ang Dios, pero may mga pagkakataong hindi niya dama ang pagmamahal, kapatawaran, at pagtugon ng Dios sa kanya. Gayunpaman, maraming mga pagpapala sa buhay niya, at naging pagpapala rin siya sa iba.

Batbat din ng pakikipagbuno ang buhay ni Jacob. Nilinlang niya ang kanyang ama para makuha ang basbas na para sa kuya niyang si Esau. Nagalit si Esau kaya nagtago si Jacob sa kapatid ng kanyang ina na si Laban. Pero nagkaroon din sila ng hindi pagkakasundo kaya tumakas siya. Sa puntong ito kinatagpo ng Dios si Jacob. “Sinalubong siya ng mga anghel ng Dios” (GENESIS 32:1). Bago ito, nakatanggap din siya ng panaginip mula sa Dios (28:10-22). Pero hindi pa ito ang katapusan. Kinatagpo muli ng Dios si Jacob sa katauhan ng isang “lalaki” at pinangalanan siya bilang Israel “dahil nakipagbuno [siya] sa Dios at sa mga tao, at… nagtagumpay” (32:28). Patunay ito na sa kabila ng lahat, kasama ni Jacob ang Dios.

Kasama natin ang Dios sa bawat pagsubok. 

Dumaan man tayo sa pagsubok, hindi tayo nag-iisa. Kasama natin ang Dios sa bawat pagsubok. Nakalaan ang pagmamahal, kapatawaran, at buhay na walang hanggan para sa mga maniniwala air jordan 3 black cement 2024 at magtitiwala sa Kanya (JUAN 3:16).

Naranasan mo na bang makipagbuno sa Dios? Nakatutulong bang malaman na kasama mo ang Dios sa bawat pagsubok?

Panginoon, tulungan Mo po akong ibigay ang mga tanong at pagdududa ko sa Iyo. Nalalaman ko pong naririnig Mo ang aking pagtawag at balang araw, masasagot din ang aking mga tanong.

Isinulat stan smith nuud women black and blue jordan shoes – IetpShops – Adidas AdiFC Orlando Pirates ni Alyson Kieda



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *