Nakakatawang Paglalaan

·

·

Nakakatawang Paglalaan

Basahin: Jeremias 32:6–15 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Genesis 31-32 Mateo 9:18–38

Alam kong kalooban ito ng Panginoon, kaya binili ko ang bukid na iyon. — Jeremias 32:8–9

Noong 1929, bumagsak ang ekonomiya ng bansang Amerika. Milyun-milyong tao ang nawalan ng kabuhayan. Kabilaan din ang mga tao noon sa pagbebenta ng kani-kanilang ari-arian. Pero si Floyd Odlum, parang nakakatawang pinagbibili ayon sa kanyang kakayanan ang mga ari-arian na ito. Kahit alam niyang bagsak ang ekonomiya ng kanilang bansa. Gayon pa man, ang parang kahangalan na kilos na ito ni Odlum ang nagdala sa kanya sa katagumpayan.

Sa Lumang Tipan naman noon ng Biblia, inutusan ng Dios si Propeta Jeremias na bumili ng lupa sa lupain ni Benjamin (Jeremias 32:8). Ang parang nakakatawa lang dito ay ito rin ang panahon na sasalakayin ng bansang Babylonia ang lupaing iyon at kukunin ang buong lupain (Tal. 2). Kaya naman, walang saysay kung bibilhin pa ito ni Jeremias.

Gayon pa man, walang nakapigil kay Jeremias sa pagbili nito. Nakikinig at lubos siyang nagtitiwala sa Dios na nakakakita ng mangyayari sa hinaharap. Sinabi ng Dios, “Sapagkat darating ang araw na muling magbibilihan ng mga ari-arian ang mga tao sa lugar na ito. Magbibilihan sila ng mga bahay, mga bukid, at mga ubasan. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, ang nagsasabi nito” (Tal. 15).

Nakikita ng Dios ang kaayusan hindi pa man natatapos ang kaguluhan. Nakikita Niya ang katagumpayan kahit hindi ka pa tapos sa laban. Nangako ang Dios sa lahat ng nagtitiwala sa Kanya. Ililigtas sila ng Dios at muling pagtatagumpayin. Kaya hindi nakakatawa o kahangalan ang maglaan ng pera, lakas at panahon para sa Dios. Ito ang pinakamatalino mong desisyon na magagawa sa buhay mo.

Saan ka pinapapunta ng Dios ngayon para maglaan ng panahon, pera at lakas?

Isinulat ni Winn Collier

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

2 responses to “Nakakatawang Paglalaan”
  1. Robert Avatar
    Robert

    Lord salamat sa mga paalala..

  2. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    Hindi kaila sa bawat isa sa atin na kung minsan tayo ay nangangarap ng Financial Freedom. Nakatingin tayo sa mga taong higit na nakakataas sa atin pagdating sa karangyaan ng pamumuhay. Hindi naman masamang mangarap ng dagdag ginhawa sa buhay, subalit pag ingatan natin ang ating puso na h’wag tayong mahulog sa bitag ng pagmamahal sa pera.

    May mga pagkakataon na kung saan tayo ay nalalagay sa mahirap na sitwasyon. Pagkakataon na kung saan ito ay lihis sa ating pangarap na magkaron ng pag-angat sa kabuhayan. May mga taong lumalapit sa atin at humihingi ng Financial Assistance, sa kabilang banda, tayo naman ay nag iipon para sa ating Financial Freedom.

    Nasa gitna tayo ng pag aalinlangan kung tayo ba ay tutulong sa ating kapwa o manatili tayong naka focus sa ating pangarap na dagdag ginhawa. Sinabi sa atin ng Panginoon,
    “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo: Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid Ko, ginawa ninyo ito sa Akin”. Nais ng Panginoon na tumulong tayo sa ating kapwa sapagkat anuman ang ating gawin, ito ay ginawa na rin natin sa Kanya. Kaya piliin natin gumawa ng mabuti para sa kaluwalhatian ng Diyos.

    Sinabi din sa atin ng Panginoon, “Subukin ninyo Ako sa bagay na ito, kung hindi Ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala”. Nais ng Panginoon na maging daluyan tayo ng pagpapala. Anumang ibigay natin para sa Kanyang kadakilaan, ito’y ibabalik Nya ng siksik, liglig, at umaapaw sa ating kabuhayan.

    Sa kabila ng ating mga dinaranas na problema financially, h’wag tayong mangamba na tayo’y kukulangin sa buhay. Panghawakan natin ang pangako Nya na hindi Nya tayo pababayaan. Anuman meron sa atin ngayon, ito’y ipinagkaloob ng Panginoon upang maging daluyan tayo ng pagpapala sa ating pamilya, kaibigan, at iba pa nating kapwa.

    Kailangan natin humakbang sa hamon na ito. Pagtitiwala sa kapangyarihan at pangako ng Panginoon ang gagabay sa atin.

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links