Gustong Matuto

·

·

Gustong Matuto

Basahin: Kawikaan 1:1–7 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Genesis 49-50; Mateo 13:31–58

Sa pakikinig nito, ang marunong ay lalong magiging marunong at ang may pinag-aralan ay magiging dalubhasa. — Kawikaan 1:5

Minsan, tinanong ang isang lalaki kung paano siya naging mahusay na manunulat. Tumugon ito sa pagkukuwento tungkol sa ginagawa ng kanyang ina na pagpupursigi na matuto. Ikinuwento pa niya na noon ay laging nangongolekta ang kanyang ina ng mga dyaryo na naiwan sa tren at ibinibigay ito sa kanya. Habang masaya siya sa pagbabasa ng tungkol sa sports, nagkaroon din ang lalaki ng pagnanais na mabasa pa ang tungkol sa nangyayari sa mundo. Hanggang lumawak na ang kanyang natutunan at lalo pa siyang naging interesadong matuto.

Mausisa at laging may pagnanais na matuto ang mga bata. Kaya naman, malaki ang magiging epekto sa buhay nila kung ating ipapakilala ang Biblia. Mamamangha sila sa ginawa ng Dios at sa Kanyang mga pangako. Mananabik din silang subaybayan ang mga kuwento ng mahuhusay na ginawa ng mga lingkod ng Dios. Habang lumalalim ang kanilang nalalaman sa Biblia, unti-unti na rin nilang natututunan ang tungkol sa kaparusahan sa kasalanan at sa kapatawaran na kailangan natin.

Mararanasan din nila ang kagalakan ng pagtitiwala sa Dios. Ang unang kabanata ng Aklat ng Kawikaan ay nagpapahayag ng tungkol sa karunungan na nagmumula sa Dios (1:1-7). Ang karunungan na malalaman dito ay pagkaunawa sa pagharap sa mga nangyayari sa ating buhay.

Makakatulong naman sa atin ang kagustuhan nating matuto sa Salita ng Dios upang tumatag ang ating pananampalataya sa Dios. At ang matagal nang mananampalataya ay patuloy pa ring mapupuno ng karunungan habang namumuhay sila kasama ang Dios. Sinabi sa Kawikaan 1:5, “Sa pakikinig nito, ang marunong ay lalong magiging marunong at ang may pinag-aralan ay magiging dalubhasa.” Hindi hihinto ang Dios na turuan at gabayan tayo sa ating pamumuhay kung patuloy tayong magtitiwala sa Kanya.

Isinulat ni Cindy Hess Kasper 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Gustong Matuto”
  1. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    Ang buhay natin sa mundong ibabaw ay isang pagsusulit. Madami tayong mga mararanasan sa buhay na tiyak na magtuturo sa atin ng mga aral. Subalit hindi sapat ang mga karanasan upang tayo’y maging handa sa buhay. Kailangan natin ng gabay ng Panginoon upang sa ating buhay, tayo ay lumakad sa tamang daan, magkaron tayo ng sapat na karunungan sa bawat desisyon, at magkaron ng malalim na pang unawa.

    May mga taong pinagpala ng karunungan, pero ang ilan ay walang pagkakilala sa Diyos. Kaligawan ang idudulot ng pagiging hangal na maglalagay sa atin sa magulong buhay.

    Dapat magkaron tayo ng pagkaunaw sa Salita ng Diyos. Dapat ay maging mapanuri tayo sa ating buhay. Dapat ay kilalanin natin ang Maykapal na Syang nagbibigay sa atin ng karunungan. Gamitin natin ito ng may pagkatakot at pagpapakumbaba. Gamitin natin ito sa Kanyang kapurihan. Hindi natin mauunawaan ang Salita ng Diyos kung wala tayong pagtitiwala sa Kanya.

    Magtiwala tayo sa Kanya.
    Magkaron tayo ng pagkauhaw sa Kanyang Salita.
    Mag aral tayo ng Kanyang Salita.
    Gamitin natin ang ating karunungan para sa Kanyang kapurihan.
    Magkaron tayo ng pagkatakot at pagpapakumbaba.
    Ang Panginoon ang ating magiging gabay sa ating buhay.

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links