Ito Ang Kagandahang-loob

·

·

Ito Ang Kagandahang-loob

Basahin: Gawa 2:32–41 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Exodus 7-8; Mateo 15:1–20

Kaya dapat talagang malaman ng lahat ng Israelita na itong si Jesus na ipinapako Nʼyo sa krus ang Siyang pinili ng Dios na maging Panginoon at Cristo.” — Gawa 2:36

Nagsimula ang sikat na nobela at pelikula na Les Miserables sa pagpapalaya sa magnanakaw na si Jean Valjean. Galing na sa kulungan si Valjean noong nakawan niya ng pilak ang isang pari. Pero nagulat ang lahat ng sabihin ng pari na ibinigay niya ang pilak kay Valjean at hindi ito ninakaw. Pero bago umalis ang mga pulis, sinabi nito kay Valjean na hindi na siya dapat gumawa nang masama sa halip gumawa nang mabuti.

Napakagandang pagpapakita ng pagmamahal at kagandahang-loob iyon. Mababasa naman natin sa Bagong Tipan ng Biblia, noong panahon ng Pentecost ay nagpahayag ng tungkol sa pagliigtas ni Jesus si Apostol Pedro. Nagtanong ang mga tao kung ano ang gagawin nila bilang mga makasalanan.

Sumagot si Pedro sa kanila, “Magsisi ang bawat isa sa inyong mga kasalanan at magpabautismo sa pangalan ni Jesu-Cristo, at mapapatawad ang inyong mga kasalanan” (Gawa 2:38). Tiniis ni Jesus ang parusa na dapat tayong makasalanan ang tumanggap. Kaya naman, kung magtitiwala tayo sa Panginoong ay tatanggap din tayo ng kapatawaran at kaligtasan.

Ang nakakamangha sa kagandahang-loob na ito na mula sa Dios ay mapapatawad tayo dahil sa pag-aalay ni Jesus ng Kanyang buhay. Ginamit ng Dios ang napakalaking ginawang kasalanan ng tao na ipako sa krus ang Kanyang kaisa-isang Anak upang iligtas tayo. Ngayon, mapapatawad ang lahat ng ating kasalanan kung tayo ay magsisisi at magtitiwala tayo kay Jesus na siyang ating Tagapagligtas. Lubos nating pagtiwalaan ang Dios na “gumagawa para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Kanya” (Roma 8:28).

Dios Ama, maraming salamat po sa nakakamangha N’yong pagliligtas sa akin at pagpapatawad. Maraming salamat sa Iyong kagandahang-loob na aming nararanasan.

Isinulat ni Mike Wittmer 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Ito Ang Kagandahang-loob”
  1. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    Thank You Lord for the gift!

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links