Nagtitiwala Kami Sa Dios

·

·

Nagtitiwala Kami Sa Dios

Basahin: Jeremias 17:5–8 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Exodus 19-20; Mateo 18:21–35

Pero mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa Akin. — Jeremias 17:7

Minsan, kinailangang dalhin ni Whitney sa ospital. Buntis siya at may nakitang problema sa kanyang atay. Dahil dito, kailangan niyang manganak ng mas maaga sa itinakdang oras. Pero, sa kakulangan ng magagamit sa ospital ng mga panahong iyon dahil sa Covid-19 at sa peligrong hatid nito, pinauwi siya ng bahay. Ipinagkatiwala ni Whitney sa Dios ang lahat at umasa siya sa plano ng Dios para sa kanilang mag-ina. Makalipas ang ilang araw, nanganak siya ng isang malusog na sanggol.

Kung ang pundasyon ng ating pananampalataya ay nagmumula sa Salita ng Dios, magagawa natin magdesisyon ayon sa nais ng Dios sa anumang sitwasyon. Ito rin mismo ang ginawa ni Propeta Jeremias. Noong panahon kasi ni Jeremias, maraming tao ang nagtitiwala sa kakayahan nila at sumasamba sa mga dios-diosan. Kaya naman, inihambing ni Jeremias, “ang taong lumalayo sa [Dios] at nagtitiwala lamang sa tao”(Jeremias 17:5) at ang mga taong sa Dios lamang umaasa.

Sinabi ni Jeremias, “Mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa Akin. Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog…dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang mga dahon nito at walang tigil ang pamumunga” (Tal. 7-8).

Kaya naman, ang mga nagtitiwala kay Jesus ay lagi nawang mamuhay nang may pananampalataya. Magdesisyon tayo ayon sa kalooban ng Dios. Bibigyan din tayo ng Dios ng kakayahan na laging magtiwala sa Kanya at hindi ang matakot. Umasa tayo sa Dios anuman ang ating kinahaharap na sitwasyon.

Kailan ka huling natakot o nag-alala dahil parang hindi mo alam ang iyong gagawin?

Isinulat ni Regie Keller

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Nagtitiwala Kami Sa Dios”
  1. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    Lord God, sometimes we trust on ourselves so much that we fail to put our trust in You. Sometimes, we say that You are in our hearts, but our actions manifest the other way around. We opted to carry our burdens, instead of surrendering it to You. Lord, teach us that we put our full trust in You, that our lives will be fruitful the most in Your care.

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links