Totoong Buhay
Basahin: Pahayag 21:1–7 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Ruth 1-4; Lucas 8:1–25
Wala nang kamatayan. — Pahayag 21:4
Matapos ang Pasko ng Pagkabuhay, nagkaroon ng maraming tanong ang aking limang taong gulang na anak tungkol sa muling pagkabuhay. Habang nagmamaneho ako, sumilip ang aking anak sa bintana at tinanong ako, “Tatay, kapag po ba muli na tayong bubuhayin ni Jesus, magiging buhay po ba talaga tayo o pakiramdam lamang natin na buhay tayo?”
Ang mga tanong tungkol sa muling pagkabuhay ay maaaring bumabagabag din sa ating isipan. Totoo bang papawiin ng Dios ang ating mga kalungkutan at karamdaman? Talaga bang bubuhayin Niya tayong muli? Tutuparin ba Niya talaga ang Kanyang mga pangako?
Panginoon, maraming salamat po sa buhay na walang hanggan na kaloob N’yo sa akin.
Inilarawan ni Apostol Pablo na “bagong langit at bagong lupa” ang tiyak na mangyayari sa hinaharap (Pahayag 21:1). Sa Banal na Lungsod na iyon, ang Dios ay “makakapiling na [natin] at magiging Dios [natin]” (Tal. 3). Dahil sa tagumpay na nakamit ni Cristo, may kalakip na pangako ang ating hinaharap na “wala nang kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan” (Tal. 4).
Samakatuwid, tunay na magiging buhay tayo sa ipinangakong hinaharap sa atin ng Dios. Buhay na buhay tayo roon at hindi marcus jordan net worth maikukumpara dito ang magiging buhay natin sa langit.
Paano nagbibigay sa iyo ng pag-asa ang katotohanang
napagtagumpayan na natin ang kamatayan dahil kay
Cristo at magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan?
Isinulat ni Winn Collier


Leave a Reply