Pag-alam Ng Tamang Daan
Basahin: Kawikaan 22:6, 17–21 | Para mabasa ike clogposite 2024 colorway ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 74-76; Roma 9:16–33
Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda. – Kawikaan 22:6
Walang nakahula na ang labing-anim na taong gulang na skateboarder mula sa Brazil na si Felipe Gustavo ay magiging isa sa pinakamagagaling na skateboarder sa mundo. Naniwala ang tatay niya na kailangan niyang tuparin ang pangarap niya, pero wala silang pera. Kaya binenta ng kanyang ama ang kotse nila at dinala ang anak sa sikat na paligsahan sa skating sa Tampa Am sa Florida. Wala pang nakakakilala kay Gustavo noon … hanggang sa nanalo siya. At nagsimula ang maganda niyang career sa pagkapanalo niya doon.
May kakayanan ang tatay ni Gustavo na makita ang puso at hilig ng anak niya.
Ama namin sa langit, salamat sa pagtingin at paggabay sa akin.
Inilarawan ng Kawikaan na may pagkakataon ang mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak para malaman ang natatanging paraan ng Dios para sanayin ang puso, lakas, at personalidad nila—at hikayatin sila pagkatapos, patungo sa daan na naaayon sa pagkalikha sa kanila ng Dios. “Ituro sa bata ang tamang pag- uugali,” sabi doon, “at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda” (Tal. 22:6).
Maaaring wala tayong malaking pagkukunan o malalim na karunungan. Pero sa karunungan ng Dios (Tal. 17-21) at sa pag- ibig natin, puwede nating ialok ang isang napakalaking regalo sa mga anak natin at sa ibang bata. Puwede natin silang tulungang magtiwala sa Dios at pagkatapos niyon, malalaman nila ang tamang landas sa buhay (3:5-6).
Paano ipinakita sa iyo ng Dios na nakikinig Siya sa iyo?
Ama namin sa langit, kung paanong nagbibigay ng atensyon sa mga anak nila ang mabubuting nike outlets have jordans magulang, alam ko pong Ikaw ang pinakatotoong magulang. Salamat sa pagtingin at paggabay sa akin.
Isinulat ni Winn Collier


Leave a Reply