Church of Christ 33 A.D. At San Antonio Cavite City

TULONG!

·

·

TULONG!

Basahin: LUCAS 18:35-43 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: BILANG 17-19; MARCOS 6:30-56

Tumigil si Jesus at iniutos na dalhin sa Kanya ang bulag. – Lucas 18:40

Ilang araw nang ngumingiyaw ang maysakit na pusang nasa isang kahon malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Walang pumapansin sa pusang itong iniwanan sa kalye. Hanggang isang araw, dumaan si Jun, isang tagawalis ng kalye. Iniuwi ni Jun ang pusa sa kanila. May alaga rin siyang dalawang asong dating gala air jordan 4 retro red thunder.

“Inaalagaan ko sila dahil walang pumapansin sa kanila,” sabi ni Jun. “Nakikita ko kasi ang aking sarili sa kanila. Wala ring pumapansin sa isang tagawalis ng kalyeng kagaya ko.”

Sigaw ka lang ng, “Tulong!” Kung walang pakialam ang iba, asahan mong hihinto si Jesus para sa atin. 

Gayundin naman, nang papuntang Jerico tungong Jerusalem ang Panginoong Jesus, nadaanan Niya ang isang bulag na nanlilimos sa tabing kalsada. Pakiramdam ng bulag, walang pumapansin sa kanya. Lalo na noong araw na iyon. Maraming mga tao, at nakatuon silang lahat kay Cristo. Walang huminto para tulungan siya.

Pero iba si Jesus. Siya lamang ang tumigil at pumansin sa lalaki. Sa gitna ng maraming taong naghihiyawan, narinig Niya ang tawag ng lalaking itong tila nakalimutan na ng mundo. “Ano ang gusto mong gawin Ko sa iyo?” tanong ni Cristo. Taos-pusong tugon ng bulag, “Panginoon, gusto ko pong makakita.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Makakita ka na! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya” (LUCAS 18:41-42).

Pakiramdam din ba natin, parang hindi tayo pinapansin? Na parang natatabunan ang mga hinaing natin ng mga taong tila mas mahalaga kaysa atin? Nakikita tayo ng ating Tagapagligtas. Sigaw ka lang ng, “Tulong!” Kung walang pakialam ang iba, asahan mong hihinto si Jesus para sa atin.

Kung alam mong nakikita ka ni Jesus, paano nito mababago ang pagtanaw mo sa sarili at buhay mo? Sino ang nasa paligid mong nangangailangan ng pansin, at paano ka “hihinto” upang palakasin sila ng pag-ibig ng ating Tagapagligtas?

Mahal na Jesus, salamat Videos about What is Waterproof Ab Component Epoxy Adhesive Grouting Ceramic Tile Gap Filler po dahil dinirinig Mo ang bawat pagtawag ko.

Isinulat ni Karen Huang



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *