HINDI SUWERTE

·

·

HINDI SUWERTE

Basahin: COLOSAS 1:15-20 | Para IetpShops , Air Match Jordan XIII Michael Finley Autographed Mavs PE – 106 Release Date + Where to Buy – Women's Air Jordan 1 Mid Surfaces in Lucky Green and Aquatone DZ4137 mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: BILANG 12-14; MARCOS 5:21-43

Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Cristo, at sa pamamagitan Niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan. – Colosas 1:17

Ayon sa Discover magazine, halos 700 quintillion (7 na sinusundan ng 20 na sero) ang mga planeta sa sansinukob. Ngunit bukod-tangi ang Earth. Ayon sa astrophysicist (eksperto sa pag-aaral ng sansinukob) na si Erik Zackrisson, upang magkaroon ng buhay sa isang planeta, kailangang nasa “Goldilocks” zone ito. Ito ang bahagi ng sansinukob kung saan tama lang ang temperatura, at may tubig. Sa 700 quintillion na mga planeta, ang Earth lamang ang may nakitaang tama lang ang mga kondisyon para sa buhay. Kaya, ipinagpalagay ni Zackrisson na suwerte ang pagkakalikha sa Earth.

Sinigurado naman ni Apostol Pablo sa mga taga Colosas na hindi suwerte ang dahilan ng pagkakaroon ng sansinukob, dahil nilikha ito ni Jesus. Pinakilala ni Pablo si Cristo bilang manlilikha ng mundo: “Sapagkat sa pamamagitan Niya, at para sa Kanya, nilikha ang lahat” (COLOSAS 1:16). Hindi lamang makapangyarihang manlilikha si Jesus, sinabi rin ni Pablo na, “sa pamamagitan Niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan” (TAL. 17). Dahil sa Kanya, hindi sobrang mainit o sobrang malamig ang mundo, ngunit tama lamang para mabuhay ang mga tao. Pinapanatili din ni Jesus ang Kanyang mga nilikha sa pamamagitan ng Kanyang ganap na karunungan at walang-hanggang kapangyarihan.

Habang pinahahalagahan natin ang kagandahan ng sangnilikha, huwag nawa nating isiping suwerte lang ito.

Habang pinahahalagahan natin ang kagandahan ng sangnilikha, huwag nawa nating isiping suwerte lang ang dahilan nito. Sa halip, piliin nating paniwalaang itinatag ito ni Jesus—dakila, makapangyarihan, mapagmahal, at pinananahanan “ng pagka- Dios” ng Dios (TAL. 19).

Ano ang halaga sa iyo na malamang si Jesus ang may hawak ng buong mundo at ng iyong sariling mundo? Paano mo ipakikita ang iyong pagtitiwala sa Kanya ngayon?

Mahal na Jesus, salamat po sa Iyong biyaya at layunin sa paglikha air jordan 3 black cement 2024 at pagpapanatili ng Iyong nilikha.

Isinulat ni Marvin Williams



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *